Tanaga sa SONA 2020
TANAGA SA SONA 2020 may panibagong laban muli ang sambayanan isasabatas naman: parusang kamatayan na binanggit sa SONA tila ba tayo’y nganga tila balewala na ang hustisya sa masa niligaw tayong lubos sapagkat paksa’y kapos para bang nakaraos walang coronavirus gayong ito ang dapat unahin at maungkat o masyadong mabigat kaya sa paksa’y nalingat nasa isip ay tokhang nitong pangulong halang kaya bitay at pagpaslang ang naisip ng hunghang karapatang pantao’y di na nirerespeto tila ba ang gobyerno’y buong sinakmal nito kaya paghandaan din ang labang susungin hirap mang kalabanin itong hari ng lagim magkaisa ang dukha at uring manggagawa labanan ang kuhila na dapat nang bumaba tanaga - tulang may pitong pantig bawat taludtod * Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Hulyo 16-31, 2020, pahina 20.