Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2020

Karatula sa pinto

Imahe
Karatula sa pinto tinitiyak kong naka-lock ang dalawang seradura subalit napapansin ko'y talagang kakaiba bakit bukas na ang nasa taas na seradura gayong kagabi nga'y ini-lock ko itong talaga ayokong mag-isip ng anuman, subalit dapat na sa ating pagtulog ay tiyaking nag-iingat pag madaling araw nga'y maiingay pa sa labas baka seradura'y pinagtitripan ng pangahas kaya nagsulat ako ng karatula sa pinto pinaskil ko sa loob upang kasama'y matanto mag-ingat, pag lalabas na'y idoble-lock ang pinto gayon ang gawin pag matulog nang lango o hapo maging mapangmatyag sa pagbantay ng opis-bahay mahirap nang masalisihan, baka pa mapatay dapat laging maging alisto, ingatan ang buhay upang walang nagmamahal na agad malulumbay - gregoriovbituinjr. 12.31.2020, 8:49 am

Wala bang sagutin ang negosyante ng paputok?

Imahe
Wala bang sagutin ang negosyante ng paputok? kayraming pangamba sa pagdatal ng Bagong Taon pagkat marami nang nawalan ng daliri noon dahil sa paputok, naputukan ang mga iyon may ligaw na bala ring buhay ng bata'y binaon Enero a-Uno, kayraming kalat sa kalsada dagdag polusyon na sa hangin, uusok-usok pa ligalig din sa alagang hayop ay makikita baka magdulot pa ng sunog, paputok ang mitsa pinagamot na ba ng nagbebenta ng paputok ang mga naputukan, wala pa akong naarok wala silang pakialam basta sa tubo'y hayok kawawa ang mga naputulan, panay ang mukmok wala pang napuputukang kanilang pinagamot mga pampaospital nito'y di nila sinagot gayong produktong paputok nila ang dito'y sangkot tapos wala silang sagutin? sila'y mga salot! gawaan ng paputok ay ipasara't mapigil hayok sa tubo ang kapitalistang mapaniil Bagong Taon ay pinagkakitaan nilang taksil ngingisi lang silang buhay ng iba'y dinidiskaril - gregoriovbituinjr. * Litratong kuha ng  makatang galâ  habang na

Tanagà talaga

TANAGA TALAGA 1 ah, tanagà talaga ang nagawa tuwina ang nalilikha’y saya pag diwa’y gumagana 2 minsan, iyang pagkatha ay nakakatulala minsan tumitingala sa ulap tumutudla 3 ang mutya'y kausapin ang diwata'y sambahin silang inspirasyon din sa katha't adhikain 4 nobelang mapagmulat ang nais kong masulat lumuluksong pulikat sa binti'y nababakat 5 di tayo nag-iisa sa oras ng pandemya tatayo tayong isa nang alwan ay madama 6 huwag mong tinutuya ang aking mga tula ito'y para sa dukha at kapwa manggagawa - gregoriovbituinjr. * Unang nalathala sa  Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Disyembre 16-31, pahina 20.

Halina't mag-ekobrik

Imahe
HALINA'T MAG-EKOBRIK halina't mag-ekobrik huwag patumpik-tumpik tipunin at isiksik sa mga boteng plastik iyang basurang plastik patigasing parang brick gagawin nating silya o kaya'y mga mesa o baka istruktura sa hardin o sa plasa palamuti sa pista ang plastik na basura halina't mag-ekobrik at gupitin ang plastik saka mo isisiksik doon sa boteng plastik patigasing parang brick iyan na ang ecobrick - gregoriovbituinjr.

Asam na pag-asa

Imahe

Ang sabi ng paham

Imahe
ANG SABI NG PAHAM Ika ng isang paham, tayo'y dapat makialam sa mga isyung panlipunan, tayo'y makiramdam walang sinumang nabubuhay sa sarili lamang kundi magtulungan tayong may samutsaring agam hindi umiinom ng sariling tubig ang sapa hindi kumakain ang puno ng sariling bunga hindi aarawan ng araw ang sarili niya hindi susuntukin ng tao ang sariling panga mga sinabi ng paham ay ating unawain maging masaya't ang sarili'y huwag mong dayain isang lipunang makatao’y ating pangarapin ang lipunan, bayan, masa, kapwa'y organisahin ipagtanggol ang masa laban sa kapitalismo, laban sa mapang-api, mapagsamantala’t tuso ang binilin ng paham ay tunay na prinsipyado kaya mabuhay tayong nakikipagkapwatao - gregoriovbituinjr. * Unang nalathala sa  Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Disyembre 16-31, pahina 20.

Tatak na apakan habang nakapila

Imahe
Tatak na apakan habang nakapila tiyakin mong maapakan ang tatak sa bangketa isang metrong distansya'y tiyakin pag nakapila lalo't bumibili ka sa palengke, groseriya,  sa mall, hardware, canteen, o maging gamot sa botika tiyakin nating nagagawa ang social distancing habang naka-face mask at face shield na dapat suutin dahil may COVID na hangaring maiwasan natin upang hindi raw magkahawaan sa COVID 19 panahong ayaw natin, pandemyang nakakapagod walang trabaho, ang dama'y gutom, wala nang sahod sitwasyong walang magawa kundi tayo'y sumunod nakakairitang kalagayan, tayo'y hilahod sa ngayon, sumunod ang tangi nating magagawa pakikisama na rin sa mga pumilang madla kalunos-lunos na sitwasyong di pa humuhupa na ang dulot sa karamihan ay kaawa-awa - gregoriovbituinjr.

Pagpupugay sa KPML

Imahe
Pagpupugay sa KPML Mabuhay ang K.P.M.L.! Mabuhay! sa inyo'y taas-noong pagpupugay! lalo't kayo'y mga kasanggang tunay na sadyang patuloy na nagsisikhay upang makamit ang lipunang pakay lipunang makatao'y itatayo upang mawala ang dusa't siphayo na dulot ng kahayukan sa tubo ng sistemang kalat saanmang dako at sa dalita'y nakapanduduro O, K.P.M.L., ituloy ang laban tungo sa pagbabago ng lipunan habang prinsipyong sosyalista'y tangan mapagsamantalang uri'y labanan nang lipunang makatao'y makamtan - gregoriovbituinjr.

Kwento ng Dalawang Aso

Imahe
"Friend is the key of love."  ~ ayon sa karatula sa isang trak Kwento ng Dalawang Aso mayroong dalawang itim na asong magkasama magkaibigan lang ba o magkasintahan sila? habang tila nakatitig sa nar'ong karatula "Friend is the key of love"  na patama ba sa kanila? nakita ko lamang ang karatulang nadaanan kinuha ang kamera't iyon ay nilitratuhan ngunit biglang sumulpot ang mga aso kung saan na animo'y may kwento silang nais ipaalam naks naman! tanging nasabi sa kuha kong litrato na pag tiningnan mo'y may mababanaag na kwento ano nga bang pakialam ko sa dalawang aso kung sila'y nagmamahalan na sa kanilang mundo - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng  makatang gala  habang naglalakad-lakad kung saan-saan

Samutsaring tanagà

SAMUTSARING TANAGA 1 Oo, tuloy ang laban! Wala dapat iwanan! Kahit sa kamatayan Misyon, huwag pigilan 2 tutulog-tulog lamang sa kanilang pansitan kaya natutuyuan pati ang lalaugan 3 mabuti nang iskwater kaysa lider na Hitler andami ng minarder pati mga pagerper 4 pagtingala sa langit naroong umaawit ang anghel na kayrikit na sa puso’y umakit 5 ang binibining mutya ay totoong diwata sa ganda’y natulala puso’y di nakawala 6 ibagsak ang gahaman baguhin ang lipunan tungo sa kagalingan at pag-unlad ng bayan - gregoriovbituinjr. * Unang nalathala sa  Taliba ng Maralita , ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyong Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Disyembre 1-15, 2020, pahina 20.

Sa alabok ng kawalan

ihatid mo man ako sa alabok ng kawalan pagkat turing mo sa akin ay basurang dalatan pasiya ko'y magpatuloy sa pakikipaglaban kaysa maging tuod na sa langit nakatanghod lang mabining rosas ay di ko hahayaang malanta aalagaan ko't arawang didiligan siya tulad ng tanim, kamatis, bawang, sibuyas, luya alagaan ang punong namumunga, santol, mangga anumang maisip kong kwento, ikukwento ko lang anumang sumaging paksa ay itutula ko lang saya, luha, may poot mang sa dibdib naglalatang basta't sa dukha't kapwa mo'y hindi ka nanlalamang pag napagod ka'y bumalik ka't huwag papipigil malayang puntahan ang sinta't halik ay isiil maging prinsipyado't labanan yaong mapaniil sa kasama't kaibiga'y huwag kang magtataksil walang katapat ang katapatan ko sa prinsipyo ganito ko ilarawan ang niyakap kong mundo nais kong maabutan pang ang obrero'y nanalo sa alabok man ng kawala'y maihatid ako - gregoriovbituinjr.

Tanagà sa Botika

Imahe
TANAGA SA BOTIKA Kamimura Botika gamot ay sadyang mura tiyak bagong-bago pa pag bumili'y dito na sa pangalan pa lamang nakakaakit tingnan nakakatuwang bilhan ng simpleng mamamayan ito na'y nakaukit sa diwa ng maysakit lalo't namimilipit na sa gastusin, gipit gamot sa ubo, lagnat, sipon, mura na't sapat masasabi mong sukat ay maraming salamat - gregoriovbituinjr. * kuha ang litrato sa Km. 5 ng La Trinidad, Benguet * ang  tanagà  ay katutubong tulang may pitong pantig bawat taludtod

Paghandaan ang Climate Emergency

Imahe
paghandaang mabuti ang climate emergency nang tayo'y di magsisi doon sa bandang huli karapatan ng madla kagalingan ng kapwa kaligtasan ng dukha at mga manggagawa ang klima'y nagbabago sistema'y di mabago tao'y natutuliro pag bumaha't bumagyo kung pagbabago ay change at sukli sa dyip ay change nais nati'y system change at di iyang climate change minsan di mapakali kaya bago magsisi paghandaang maigi ang climate emergency - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala sa Urban Poor Assembly noong Disyembre 7, 2020 sa Bantayog ng mga Bayani

Respeto

Imahe
RESPETO social distancing sa pag-aabang ng masasakyan sundin ang mga nilagay na bilog sa lansangan doon kayo umapak, isang metro ang pagitan habang suot ang face mask upang di magkahawaan magaling ang nakaisip, sadyang disiplinado para sa kalusugan at kagalingan ng tao di ka man maniwala sa COVID, sumunod tayo bukod sa pakikisama, sa kapwa'y pagrespeto - gregoriovbituinjr.

Paggawa ng ekobrik

Imahe
PAGGAWA NG EKOBRIK Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nitong Nobyembre 18, 2020, ay nagtungo ako sa tanggapan ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) upang aking pirmahan ang ilang dokumento hinggil sa isang petisyon sa Korte Suprema nang ibinigay sa akin ni kasamang Jackie ang natipon nilang isang bag na walang lamang plastik ng mga kape. Aba’y alam pala niyang ako’y nageekobrik. Ibig sabihin, ginugupit ko ang mga malilinis na plastik, tulad ng mga ubos na kape upang ipasok sa boteng plastik at gawing ekobrik. Patitigasin iyon na parang brick na pawang laman lang ay mga plastik. Para saan ba ito? Ang mga natipong ekobrik ay pagdidikitin upang gawing istruktura, tulad ng upuan o kaya’y lamesa. Maraming salamat, Ate Jackie! Nananalasa ang mga basurang plastik sa ating kapaligiran, pati na sa ating mga karagatan. Kaya may mga nag-inisyatibang ipasok ang mga plastik sa loob ng boteng plastik upang mapaliit ang basura.  Nagsimula ito sa Mountain Province, nakita ng isang

Bukrebyu: Ang librong "Che: A Graphic Biography" ni Spain Rodriguez

Imahe
BUKREBYU ANG LIBRONG “CHE: A GRAPHIC BIOGRAPHY” NI SPAIN RODRIGUEZ Munting sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nakita ko lang sa aklatan ng Bukluran ng Manggagawag Pilipino (BMP) ang aklat na “Che: A Graphic Biography” ni Spain Rodriguez. Inilarawan niya ang talambuhay ni Che Guevara sa pamamagitan ng komiks, o ng mga larawan. Bagamat nakagawa na rin ako ng libro ni Che Guevara noon, iyon ay pulos mga salin ng mga sulatin ni Che. Iba ito, talambuhay ni Che na isinakomiks. Nakasulat sa Ingles at magaganda ang pagguhit ng mga larawan, na nasa black-and white, hindi colored. Subalit nakakahalina dahil sa galing ng tagaguhit at awtor na si Spain, kaygandang pangalan. Si Che Guevara ang isa sa mga kasamahan ni Fidel Castro nang ipinanalo nila ang rebolusyon sa Cuba noong 1959. Kinikilala siyang “the most iconic revolutionary of the twentieth century”, ayon sa libro. Sabi pa, “It portrays his revolutionary struggle through the appropriate medium of the under-ground political comic – one of the most

Apakang bilog habang nag-aabang ng sasakyan

Imahe
Apakang bilog habang nag-aabang ng sasakyan kinunan ko ng litrato ang bilog na apakan na isang metro ang distansya habang nag-aabang ng masasakyan sa pagtungo sa paroroonan tandang sa panahon ng pandemya, tayo'y pumila social distancing bilang respeto sa bawat isa bakasakaling COVID-19 ay maiwasan pa simpleng pagsunod at pagtalima sa patakaran batas sa inhinyering na gabay sa mamamayan na kung walang bilog, disiplina'y di mo malaman may bilog upang sa pila'y di magkalabo-labo bilog para sa kaayusan at pagkakasundo habang disiplina raw ang kanilang binubuo nag-aabang ng sasakyan, bilog na'y aapakan madali namang makaunawa ng sambayanan ulo nama'y di binibilog ng pamahalaan - gregoriovbituinjr.