Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2023

Pag sabay daw umaaraw at umuulan

Imahe
PAG SABAY DAW UMAARAW AT UMUULAN pag sabay daw umaaraw at umuulan sabi nila'y may kinakasal na tikbalang marahil ay ibang paniniwala iyan ang totoo, climate change na'y nararanasan halina't dinggin ang awit ng Rivermaya "Umaaraw, Umuulan"  ang kinakanta "Ang buhay ay sadyang ganyan,"  sabi pa nila datapwat di sadyang ganyan, may climate change na patuloy na ang pagbabago ng panahon nang magsunog na ng fossil fuel at karbon paggamit nito'y dapat nang wakasan ngayon na ating panawagan sa maraming nasyon sabihin mang may tikbalang na kinakasal aaraw, biglang uulan, di na natural gawa ng tao ang climate change na umiral na dapat lutasing isyung internasyunal - gregoriovbituinjr. 10.17.2023 * Climate Justice Walk 2023 * sinulat ng madaling araw sa Gumaca, Quezon,  * litratong kuha ng makatang gala bago magsimula ang lakad

Ang adhika ng Climate Walk

Imahe
ANG ADHIKA NG CLIMATE WALK bakit ba namin ginagawa ang Climate Walk bakit ba raw di na lang idaan sa TikTok aming aspirasyon ay di agad maarok mula Maynila hanggang Tacloban ang rurok sa isang dekada ng mga nangalugmok sa bagyong Yolanda, kaya nagka-Climate Walk nais naming makibahagi sa paglutas ng krisis sa klima kaya ito'y nilandas na kung sa ngayon, ang umaga'y nagniningas saka biglang ambon, uulan ng malakas ang timpla ng daigdig ay di na parehas ang climate emergency na'y dapat malutas dinadaanan nami'y mga bayan-bayan at sa mga tao'y nakipagtalakayan nang climate emergency ay mapag-usapan mga dahilan ng krisis ay mapigilan pagsunog ng fossil fuel at coal, wakasan Climate Walk, aming misyon at paninindigan - gregoriovbituinjr.  10.16.2023 * Climate Justice Walk 2023 * sinulat ng madaling araw sa tinulugang kumbento ng mga pari sa Lopez, Quezon

Jollibee Lopez

Imahe
JOLLIBEE LOPEZ nadaanan lang ang patalastas na iyon na kaagad naman naming ikinatuwa habang kami'y naglalakad buong maghapon ay napatigil doong tila natulala may makakasalubong ba kaming artista? kamag-anak marahil ni  Jennifer Lopez na sikat sa pag-awit at sa pelikula sapagkat ang nakasulat:  Jollibee Lopez sa L opez, Quezon  ay dumaraan na kami na naglalakad sa misyong  Climate Justice Walk ngalan ng baya'y apelyido ni Jollibee bubungad sa bayan kung saan ka papasok may Jollibee Sariaya, Jollibee Lucban, Jollibee Gumaca, ngayon, Jollibee Lopez salamat sa kanya, pagod nami'y naibsan sa kilo-kilometrong lakad na mabilis - gregoriovbituinjr. 10.15.2023 * Climate Justice Walk from Manila to Tacloban

Tuloy ang laban! Tuloy ang lakad!

Imahe
TULOY ANG LABAN! TULOY ANG LAKAD! "Tuloy ang laban! Tuloy ang lakad!" ito sa kanila'y aking bungad nang climate emergency'y ilahad saanmang lugar tayo mapadpad wala sa layo ng lalakarin kahit kilo-kilometro man din sa bawat araw ang lalandasin mahalaga, tayo'y makarating tagaktak man ang pawis sa noo magkalintog man o magkakalyo dama mang kumakalas ang buto may pahinga naman sa totoo ngunit lakad ay nagpapatuloy dahon kaming di basta maluoy sanga ring di kukuya-kuyakoy kami'y sintatag ng punongkahoy - gregoriovbituinjr. 10.14.2023 * kuha sa Lucena City ni A. Lozada

Pahinga muna

Imahe
PAHINGA MUNA ah, kailangan ding magpahinga matapos ang mahabang lakaran upang katawa'y makabawi pa lalo na yaring puso't isipan nagpapahinga ang pusa't tao o sinupamang bihis at hubad matulog at magpalakas tayo upang muli'y handa sa paglakad habang may diwatang dumadalaw sa guwang ng ating panaginip animo kandila'y sumasayaw habang may pag-asang nasisilip kilo-kilometro man ang layo ay aabutin ang adhikain kaharapin ma'y dusa't siphayo asam na tagumpay ay kakamtin mahalaga tayo'y nalulugod sa ating layon at ginagawa aba'y di laging sugod ng sugod kalusuga'y alagaang sadya - gregoriovbituinjr. 10.14.2023 * Climate Justice Walk 2023 * kuha sa Atimonan, Quezon

Sa tulay ng Patay na Tubig

Imahe
SA TULAY NG PATAY NA TUBIG sandali kaming nagpahinga sa Tulay ng Patay na Tubig ano kayang kwento ng sapa o ilog ba'y kaibig-ibig bakit Patay na Tubig iyon at anong natatagong lihim naroong magdadapithapon maya'y kakagat na ang dilim ah, kwento'y sasaliksikin ko bakit ba patay na ang ilog nang lihim nito'y maikwento bago pa araw ay lumubog palagay ko'y matatagalan ang balak kong pananaliksik ngayo'y walang mapagtanungan ngunit hahanapin ang salik - gregoriovbituinjr. 10.12.2023 * Climate Justice Walk 2023 * habang dumadaan sa San Pablo City sa Laguna patungong Pagbilao, Quezon * Pasasalamat sa litratong ito na kuha ni Albert Lozada, na kasama rin sa Climate Justice Walk 2023

Pagninilay sa Climate Walk 2023

Imahe
PAGNINILAY SA CLIMATE WALK O, kaylamig ng amihan sa kinaroroonan habang nagninilay dito't nagpapahinga naman tila ba kami'y kawan ng ibon sa himpapawid na mga bundok at karagatan ang tinatawid magkakasama sa dakilang misyon na Climate Walk na climate emergency ang isa sa aming tutok na climate justice sa bayan ay itinataguyod mapagod man, naglalakad kami ng buong lugod pagsama sa Climate Walk ay malaking karangalan kaunti man ang lumahok sa mahabang lakaran mahalaga'y maipahayag ang aming layunin na climate emergency ay harapin na't lutasin ipabatid ano ang adaptation, mitigation ano ang climate fund, bakit may climate reparation paano maghanda ang mga bansang bulnerable Climate Justice Walk, ang pangalan pa lang ay mensahe - gregoriovbituinjr  10.11.2023 * kinatha sa UP Los Baños * Climate Walk 2023

My passion

Imahe
MY PASSION walking the talk is my passion being healthy is my reason climate justice is a mission for the future of this nation - gregoriovbituinjr. 10.08.2023 * picture with my wife at the Bonifacio Shrine near Manila City Hall before joining the Manila to Tacloban Climate Justice Walk 2023

Pahinga muna ako ng isang buwan

Imahe
PAHINGA MUNA AKO NG ISANG BUWAN magpapahinga muna ako ng isang buwan kaya mawawala ako ng panahong iyan pagkat tutungo sa malalayong lalawigan nang nagbabagong klima'y dalumating mataman palalakasin ang iwing katawang pisikal pagpapahingahin ang kaisipan o mental pangangalagaan ang loob o emosyonal ang isang buwan ay sandali lang, di matagal nais ko munang magnilay, buong puso't diwa nangamatay sa unos sa puso'y masariwa sa malayong pook ay magtirik ng kandila maraming salamat po sa inyong pang-unawa maglalakad-lakad pa rin habang nagninilay at sasamahan ang mga kapwa manlalakbay nagbabagong klima man ay nagbabagang tunay ay babalik na panibagong lakas ang taglay - gregoriovbituinjr. 10.07.2023

Apo ni Leonidas

Imahe
APO NI LEONIDAS dugong Spartan, isang aktibista apo ni Leonidas ng Sparta at tagapagtanggol ng aping masa lingkod ng manggagawa't maralita  tinig ng inaapi't mga dukha di palulupig sa mga kuhila tangan ang prinsipyo ng proletaryo inoorganisa'y uring obrero pangarap ay lipunang makatao sa mapagsamantala'y di pagapi pati na sa tuso't mapagkunwari at lalabanan ang mapang-aglahi nakikibaka pa rin hanggang ngayon laging mahalaga'y kamtin ang layon nabubuhay upang tupdin ang misyon - gregoriovbituinjr. 10.07.2023 * litrato mula sa google

Die

Imahe
DIE sa Word Connect app, kayraming sadya ng mga salitang nasagupa mula sa binigay na salita ano pang mabubuong kataga tulad ng DINED, nabuo ko ang DIE at DIED, sa PRIDE nama'y may RIDE at DIE sa salitang IDLE, may LIE at DIE tatatlong letra sa pagkamatay ito kaya'y isang pahiwatig? upang mag-ingat, huwag palupig nais kong isipi't isatinig na di namamatay ang pag-ibig umabot sanang pitumpu't pito o kaya'y edad na otso-otso kung di man abutin ng sangsiglo ay may tulang abot pitong libo - gregoriovbituinjr. 10.07.2023

Nang mangatok ang mga pusa

Imahe
NANG MANGATOK ANG MGA PUSA nagkumpulan na naman ang mga alaga kinatok ako't gutom na raw silang sadya kaya binigyan ko ng tirang pritong isda mabusog sila'y talagang ikatutuwa - gregoriovbituinjr. 10.06.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/nvhwzljIyj/

Kaylamlam ng umaga

Imahe
KAYLAMLAN NG UMAGA mainit ang araw ngunit malamlam ang umaga totoo ngang dinaranas ang nagbabagong klima ngayon ay mainit, biglang uulan, malamig na maya-maya, bagyo'y bigla na lang mananalasa bakit ba ganito ang dinaranas ng daigdig paghaginit ng hangin, kaylayo pa'y maririnig kanina'y maalinsangan, ngayo'y nangangaligkig sa nagbabagong klima'y paano tayo titindig? isang dekadang nakalipas, Yolanda'y naganap nangyaring Ondoy at Yolanda'y wala sa hinagap ngunit ngayon, climate emergency na'y nalalasap mga bulnerableng bansa'y talagang maghihirap anong dapat naging gawin sa climate emergency? sa nagbabagong klima'y di tayo makakakubli mga Annex I countries ba ang tanging masisisi? o paglutas dito, ang mga bansa'y makumbinsi - gregoriovbituinjr. 10.06.2023

Paalala sa palikuran

Imahe
PAALALA SA PALIKURAN sa palikuran, may paalala itapon ng tama ang basura tissue, wipes, napkin, tira't iba pa di sa kasilyas, nang di magbara payak na paalala sa tao huwag magtapon sa inidoro ng basura o kung anu-ano dahil pag nagbara, ay, perwisyo! may tamang basurahan, may waste bin bakit ba di iyon ang gamitin tinatamad ka? gawa'y wastuhin kalinisan ay pakaisipin tapon dito o doon, burara tila walang isip sa ginawa kalinisa'y winalang-bahala dapat gawaing ito'y itama - gregoriovbituinjr. 10.05.2023 * kuha ng makatang gala sa Environmental Science Institute (ESI), Miriam College, QC

Musikainom

Imahe
MUSIKAINOM animo'y dalawang salitang pinagsama pinagdugtong na  M USIKA't INOM , tara na! subalit pakatitigan mo't tatlo pala MUSIKA ,  KAIN , at  INOM , kayganda, di ba? anong galing, pinagsamang salita'y tatlo gig bilang suporta sa mga musikero ngunit noong isang taon pa pala ito ngayon lang nakita, di ako nakadalo nais ko sanang dumalo roon, makinig sa KusineRock, makiki-jamming din sa gig tatagay ng isang beer habang nakikinig at namumulutan ng isaw, mani't sisig isang sining ang musika, tugtog at awit tulad ng makatang katha'y tanaga't dalit suporta sa musika'y pagmamalasakit lalo sa musikero, di man natin dikit mabuhay ang mga musikero ng bayan! awit n'yo'y tumatagos sa puso't isipan pagtugtog ng gitara'y sadyang aming ramdam muli, pagpupugay, ituloy ang awitan! - gregoriovbituinjr. 10.04.2023

Lumiham at bumago ng buhay

Imahe
LUMIHAM AT BUMAGO NG BUHAY minsan, kailangan mong magsulat ng liham at may mapagsabihan ka ng inaasam baka iyon ang kailangan nang maparam ang iyong mga sulirani't agam-agam isulat mo ang iyong mga saloobin o kung mayroong mabigat na suliranin bawat problema'y may kalutasan, isipin mo ito, at sa wastong tao'y talakayin kahit nga sa pahayagan, may kolumnista na nagbibigay ng payo sa may problema o sa anumang institusyon, lumiham ka malay mo, may nagbasa, isa man, pag-asa simulan mo sa unang hakbang ang pangarap sa kapwa'y tumulong nang walang pagpapanggap baka may buhay kang mabago sa paglingap at pagliham upang makaraos sa hirap papel at plumang tangan mo'y iyong isulong baka sa liham mo, kapwa mo'y makabangon o sa kinasadlakang putik makaahon liham mo, munti man, ay malaki nang tulong - gregoriovbituinjr. 10.02.2023

I was born a Red October

Imahe
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting chess grandmaster Jonathan Spillman a Libra who fight for social change a writer who write in progressive page a proletarian poet in politics engage that in exploitative system feel rage an activist who read Marx, the sage I was born a Red October I was born when French painter, chess player and writer Marcel Duchamp died I was born when protesting students were killed by government forces in what was known as the Tlatelolco massacre I was born to continue their struggle and the struggle of the working class that's why I am an Spartan activist that's why I am an environmental advocate that's why I am a human rights defender that's why I am a proletarian writer and poet that's why I am and will always be a Red October - gregoriovbituinjr. 10.02.2023

Pana, panagip, panaginip

Imahe
PANA, PANAGIP, PANAGINIP napanaginipan kong ako'y pinapana ngunit anong panagip ko nang di tumama sa katawan ang dusa't hirap ng timawa nang di danasing muli ang lumbay at luha tila gising na gising habang nagaganap ang frat war na di maawat, walang paglingap sa bawat isa, idudulot lang ay hirap sa kaloobang katwiran ay di matanggap bakit ba ganyang samahan ay itinayo? upang depensa mo sa bully, gago't uto? kung mapatay mo pa'y titira ka sa hoyo pamilya'y kawawa't dinulot mo'y siphayo anong panagip ko sa pana't pananakit? sa panaginip sana'y magising na ulit ang pagpapakatao'y di dapat mawaglit at huwag hayaang laya'y maipagkait - gregoriovbituinjr. 10.01.2023 *  hoyo  - salitang pabalbal sa  kulungan

Antok pa

Imahe
ANTOK PA antok pa rin si alaga baka nagmumuni-muni ubos na kaya ang daga para bang di mapakali gising, aba'y tanghali na baka may dagang mahuli o nais lang magpahinga dahil sa pagod kagabi - gregoriovbituinjr. 10.01.2023