Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2024

Magandang aktres, kinasuhan sa Labor

Imahe
MAGANDANG AKTRES, KINASUHAN SA LABOR may kaso sa  National Labor Relations Commission ang isang kilalang aktres sapagkat kinasuhan ng dati niyang driver, nabalitaan ko iyon sa pahayagang  Bulgar , talagang binulgar naman kaso'y di pagbabayad ng  night shift differential pay overtime pay, holiday pay, thirteenth month pay, harassment illegal dismissal,  at  payment of separation pay at ang matindi pa rito ay ang kasong  maltreatment o baka kaya isa lang itong gimik sa  Showbiz upang mapag-usapan ang mga artistang sikat o kung totoo iyang balita't di isang tsismis ang obrerong naapi'y talagang dapat mamulat nagbulgar kasi'y ang kinasuhan ng  cyberlibel ng nasabing aktres, tila ginagantihan siya naghahanap ng butas, nanggigigil, at marahil upang iatras ng aktres ang kasong isinampa gayunman, hustisya'y dapat kamtin ng manggagawa ngunit sa kapitalismo, ito ba'y matatamo? makukulong ba ang aktres na sa kanya'y nandaya? o isang malaking palabas lang lahat ng ito?

Pahinga rin si alaga

Imahe
PAHINGA RIN SI ALAGA matapos kumain, tahimik na si Lambing nagpapahinga ring animo'y nahihimbing ngunit konting kilos ko siya'y nagigising sadyang alerto, baka may dagang dumating aba'y ganyan lang kami ng aming alaga siya'y pahinga habang ako'y kumakatha ng mga paksang nakaukilkil sa diwa na sa kwaderno'y sinusulat kong may tuwa may kwento akong isang pusa ang bayani sa aking banghay, may insidenteng nangyari hinoldap ay isang magandang binibini subalit kinalmot ng pusa ang salbahe ang binibini pala ang nag-aalaga at nagpapakain sa palaboy na pusa mga kuting nito'y pinapakaing sadya kaya ang pusang ito'y bayani sa madla titigan ang pusa't may magagawang kwento maaari ring sila'y kinakausap mo sa literatura'y kagiliw-giliw ito tulad ng sikat na pabula ni Aesopo - gregoriovbituinjr. 06.30.2024

Alalawa, lamira at pakakak

Imahe
ALALAWA, LAMIRA AT PAKAKAK madalas, sa palaisipan ko lang nalalaman ang maraming salitang di ko halos maunawa ang alalawa, lamira at pakakak na iyan ay di agad natatalos niring aba kong diwa dahil sa hilig kong magsagot ng palaisipan ay aking nabatid ang kahulugan ng salita na marahil mababasa natin sa panitikan ano ba ang lamira, pakakak, at alalawa iyang pakakak pala'y tambuli ang kahulugan habang lamira kapag ikaw ay nanggigitata marahil mga salitang mula sa lalawigan tulad ng gagamba na tawag din ay alalawa salamat sa salitang ngayon lang naunawaan may magagamit tayong salitang bago o luma bago sa akin subalit luma na pala iyan na nais ding magamit sa kwento, tula't pabula - gregoriovbituinjr. 06.30.2024 Sa unang krodword: 25 Pahalang: Gitata Sa ikalawang krosword: 14 Pahalang: Gagamba 35 Pahalang: Tambuli * palaisipan mula sa pahayagang  Pilipino Star Ngayon , Hunyo 2, 2024, pahina 10

Buong buwan ang nasagutan

Imahe
BUONG BUWAN ANG NASAGUTAN Sudoku  at  Word Connect  ay kinagiliwan app game sa cellphone na laging sinasagutan iniscreenshot ko ang ulat ng buong buwan ng Hunyo ngayong taon bilang katunayan pinakapahinga ko na ang mga game app habang sa mga gawain puspusang ganap subalit pag pulong na'y iba na ang gagap kundi ang pagkilos sa lipunang pangarap bukod pa riyan, aba'y mayroon ding krosword sa mga binibiling pahayagang tabloid na wikang Filipino'y itinataguyod upang di naman sa kawalan nakatanghod pagpupugay sa mga nag-imbento nito upang may mapaglibangan ang mga tao - gregoriovbituinjr. 06.30.2024

Alay na tula sa Wealth Tax Assembly

Imahe
ALAY NA TULA SA WEALTH TAX ASSEMBLY O, dukha't manggagawa, / tara nang magkaisa sama-samang baguhin / ang bulok na sistema para sa karapata't / panlipunang hustisya at sa kinabukasan / ng mayorya, ng masa di tayo sawsaw-suka / na winawalanghiya ng mga naghaharing / elitista’t kuhila di hanggang ayuda lang / ang mga maralita kundi may dignidad din / kahit na tayo'y dukha ating ipaglalaban / kapwa natin kauri laban sa mga trapo’t / burgesyang naghahari wealth tax ay pairalin / pag tayo na'y nagwagi sa trapo't elitistang / di dapat manatili sulong, mga kasama / tungo sa rebolusyon ng dukha’t manggagawang / may makauring misyon sa lipunang pangarap / isip nati'y ituon at sama-sama nating / kamtin ang nilalayon - gregoriovbituinjr. 06.29.2024 * binasa ng makatang gala sa pagtatapos ng kanyang pagtalakay sa paksang  "Wealth Tax at Maralita"  sa  Wealth Tax Assembly  na ginanap sa UP Integrated School, Hunyo 29, 2024 * ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan

Sa gilid man ng bangin

Imahe
SA GILID MAN NG BANGIN kaming tibak na Spartan / ay nasa gilid ng bangin ng pakikibakang dukha / na lipunan ang salamin bakit ba lagi na lamang / nakikita'y tagulamin at di na nalalasahan / ang ginhawang asam namin kaya nagpapatuloy pa / sa bawat pakikibaka upang tiyaking matamo / ang panlipunang hustisya kaya naririto pa ring / kumikilos sa kalsada na harangan man ng sibat / di patitinag talaga batbat na ng karukhaan / ang mayoryang maralita at tanging sa pagkilos lang / ng sama-sama ng madla kalagaya'y mababago't / ibabagsak ang kuhila ang mabago ang sistema'y / prinsipyo nami't adhika nasa gilid man ng bangin / habang kayraming hikahos dahil sa sistemang bulok / at mga pambubusabos ang mga sanhi ng hirap / ay dapat nating makalos upang lipunang pangarap / ay makamtan nating lubos - gregoriovbituinjr. 06.29.2024 * selfie ng makatang gala sa rali ng Hunyo 12, 2024, hanggang Recto lang at di na nakapasok ng Mendiola

Pag-iwas sa karne

Imahe
PAG-IWAS SA KARNE nagnais akong mamuhay ng bedyetaryan noon ngunit nang magka-pandemya'y nagka-COVID paglaon bedyetaryan ay itigil, payo ng ninang iyon nang lumakas ang katawan, makaiwas sa pulmon paminsan-minsan na lang akong kumain ng karne isda't gulay pa rin ako, nasabi sa sarili nang minsan si misis ay longganisa ang binili tatak: Longganisang Calumpit, ito ba'y mabuti? sabi nga sa Koran, huwag nang kumain ng baboy upang lumusog ang katawan at di laging kapoy payo'y sinusunod ko ngunit minsan natataboy upang kumain ng letson sa piging na natuloy subalit sa pag-iisa, kamatis lang, ulam na bawang, sibuyas, at mga talbos ay idagdag pa sana, sa mga karne ay makaiwas talaga at maging malakas pa rin ako, O, aking sinta - gregoriovbituinjr. 06.29.2024

Scammer?

Imahe
SCAMMER? tatlong magkakaibang numero ang nagpadala sa akin ng iisang mensahe lang pag nabasa at sa aking numero, may pinadala raw pera ngunit bakit tulad ko ang kanilang pinuntirya? dahil ba mukhang mahina't kayang lokohin nila? na madali lang mauto ng di nila kilala? na ang tulad kong dukha'y baka may naipong pera na naghahanap ng swerte sa kanilang paripa may dalawang libo, limang daang pisong padala na upang makuha mo, magbigay ka ng singkwenta pesos na pinasasali ka sa kanilang bola kahina-hinala, di ba? magpapabola ka ba? may perang padala, then, kukunan ka ng singkwenta ano 'yun? kunwari-kunwarian lang na nanalo ka? pag sampu'y nauto, may limang daang piso sila pag sandaang tao naman, limang libong piso na pasingkwenta-singkwenta lang at sila'y tiba-tiba na aba'y kayraming simcard pa ang ginagamit nila kaya huwag magpauto, huwag maging biktima sa kanilang gawaing masama upang kumita - gregoriovbituinjr. 06.29.2024

Ninenok nga ba ang pangalan?

Imahe
NINENOK NGA BA ANG PANGALAN? nabasa ko na sa nobela ni  Frederick Forsyth na nagnenok ng pangalan ang pangunahing bida o kontrabida sa nobelang  "The Day of the Jackal" na misyong patayin si French president Charles De Gaulle napanood ko rin ang film na  Jackal  ni  Bruce Willis na mukha ng karakter dito ay pabago-bago bise presidenteng babae ang puntirya nito subalit napigilan siya ni  Richard Gere  dito ngayon sa pahayagan, isang alkalde umano ang nagnenok ng pangalan ng kung sinumang tao sa  "The Day of the Jackal"  nagpunta ng sementeryo ang bida, namili sa lapida ng ngalan nito ginawa'y pekeng dokumento gamit ang pangalan upang itago ang sariling pagkakakilanlan upang magawa ang pinag-aatas ng sinuman para sa layunin nilang di natin nalalaman napapaisip lang ako sa mga nangyayari lalo na sa isyu ng  POGO  at  West Philippine Sea dapat mabatid natin anong kanilang diskarte upang bansa'y maipagtanggol sa mga salbahe - gregoriovbituinjr. 06.29.2024 * ulat

Ang Wikang Filipino sa palaisipan

Imahe
ANG WIKANG FILIPINO SA PALAISIPAN sa Pahalang Labimpito Tanong: Wikang Filipino subalit ang sagot dito'y Tagalog, tama ba ito? Filipino nating wika sa Tagalog batay sadya na isinabatas pa nga si Quezon yaong gumawa ang wika'y di lang Tagalog kundi Filipino, irog isang wikang tinaguyod na pambansa pag nasunod sa tanang palaisipan wikang pang-Katagalugan ay wika ng buong bayan ngunit sa ngayon lang iyan sapagkat wikang Iloko Bisaya man at Ilonggo Tausug, Waray, at Pampanggo ay wika ring Filipino darating din ang panahon samutsaring wikang iyon pag nasama sa leksikon magiging wika ng nasyon - gregoriovbituinjr. 06.29.2024 * palaisipan mula sa pahayagang Abante, Hunyo 26, 2024, p.10

Komentula sa Romualdez rice

Imahe
KOMENTULA SA ROMUALDEZ RICE bente pesos kilong bigas ba'y magigisnan? pag nagkampanyahan na't boto'y kailangan? binobola na naman ba ang mamamayan? upang maboto kahit di napupusuan? ipagpaumanhin ang aking komentula ito'y napuna ko lang sa isang balita propaganda ba o puro paganda lang nga? upang apelyido'y matandaan ng madla aba'y kay-aga nang pangangampanya ito na ipinangako na noon ng pangulo sa ganyan ba'y magpapabola muli tayo? na dating pangako'y napako nang totoo? tanong lang: maganda kayang klase ng bigas? iyang sinasabi nilang Romualdez rice? sangkilo'y bente pesos, o ito'y palabas? pag nanalo, presyo'y agad sirit pataas? masa ba sa kanila'y palilinlang muli? para sa bigas, iboboto'y di kauri? ah, huwag nating hayaang muling maghari iyang dinastiya, gahaman, trapo't imbi - gregoriovbituinjr. 06.27.2024 * litrato mula sa kawing na:  https://www.facebook.com/story.php/?story_fbid=880644577425656&id=100064403663482

Pagninilay

Imahe
PAGNINILAY ano nang nangyayari't / tila walang mapala tulog pa ang katawan / pati na yaring diwa animo kaytindi na / ng bagyong di humupa kaya buong lansangan / ay dumanas ng baha may butas na ang atip / kaya panay ang tagas tila luha ng langit / ang dito'y naghuhugas tanaw mo ang bituin / sa kisameng may butas habang nangangarap pa / ng lipunang parehas kahit sa kalunsuran, / dinig mo ang kuliglig sa paroo't paritong / sasakyang buga't butlig habang sa kapitbahay / talak ay maririnig nagsesermon na naman / sa asawang mahilig kailangan ko na ring / maglaba ng labahin upang may maisuot / sa sunod na lakarin kung sakaling may butas / ang damit na'y tahiin pagkunwariing bago / ang barong susuutin - gregoriovbituinjr. 06.27.2024

Ang aklat ko't kamiseta

Imahe
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni  Ka Popoy  ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni  Lean Alejandro , pawang magigiting na bayani ng masa't sadyang magagaling sosyalistang sulatin ni  Ka Popoy Lagman sa aking aklatan ay muling natagpuan sa  The Great Lean Run  noon kami'y dumalo't nabigyan ng magandang kamisetang ito libro't kamisetang kaytagal na sa akin lalo't kayamanan na ring maituturing ng mga kagaya kong tibak na Spartan na tuloy ang pakikibaka sa lansangan mga gamit itong naging inspirasyon na sa pagkilos laban sa bulok na sistema - gregoriovbituinjr. 06.26.2024 * pamagat ng aklat:  "Ka Popoy: Notes from the Underground" * tatak sa kamisetaL  "The Great Lean Run - Step into his shoes, follow his footsteps"

Ang kuwago at ang lapira

Imahe
ANG KUWAGO AT ANG LAPIRA nagpupuyat ang kuwago sa gabi pagsusunog ng kilay ang diskarte ang tawag pala sa kanya'y lapira na katugma'y panggabi ring bampira gising naman ang kuwago pag araw na nagsusunog din naman ng kilay pulos pagbabasa dito at doon hinahasa ang kanyang edukasyon subalit magkaiba man ang tawag silang dalawa ay magkamag-anak pawang palaaral, matatalino kapara'y karakas ni Tata Lino ngunit isa't isa'y walang hamunan na magpaligsahan ng nalalaman imbes kompetisyon, kooperasyon walang payabangan ang mga iyon nabatid nilang sa kapitalismo pataasan ng ere yaong tao kumpetisyon kung sino ang magaling kaya may trapong gahaman, balimbing, may pang-aapi't pagsasamantala, elitista't mapanlamang sa kapwa pagkat nag-aral ang mga kuwago pasya nila'y di tularan ang tao - gregoriovbituinjr. 06.24.2024 * 35 Pahalang: Kuwago sa gabi, palaisipan mula sa pahayagang Abante, Hunyo 7, 2024, pahina 10 * lapira - uri ng kuwago (Tyto capensis) na abuhing kayuman

Aklat para sa pamangkin

Imahe
AKLAT PARA SA PAMANGKIN klasiko ang aklat na bigay sa pamangkin na mahilig magbasa tulad ng tiyuhin ang  20,000 Leagues Under The Sea  ni  Jules Verne ay paglalakbay sa dagat na anong lalim nabili ko sa  Book Sale  ang nasabing aklat na paboritong tambayan sa pagbubuklat ng iba't ibang paksang nakapagmumulat na masasalat, masusulit, masusulat nais kong magbasa rin sila hangga't bata ng samutsaring kwento, o kaya'y pabula at mapatalas ang kanilang pang-unawa sa pamilya, paligid, bayan, kapwa bata kasama ang pamangkin, kayraming nanilay na pagbabasa talaga'y kanilang tulay sa buhay, isang libro man ang aking bigay sa pamangking matalino't napakahusay - gregoriovbituinjr. 06.23.2024

Itaw-itaw

Imahe
ITAW-ITAW nabasa ko'y itaw-itaw, ano ba iyon? nakalutang sa atmospera'y depinisyon gaya ng planeta, bituin, konstelasyon aba, may salita pala tayong ganoon nakalutang ng walang mga nakakabit na makikita natin sa ere, sa langit oo, palutang-lutang lang, di nakasabit subalit paano salita'y ginagamit? anang UP Diksiyonaryong Filipino ang itaw-itaw ay pang-uri ngang totoo halimbawa ng gamit ay hinahanap ko kaya sa tula'y sinubukan ko na ito: nakalutang sa atmospera, itaw-itaw ang mga talampad, buwan, buntala't araw na pag gabi ko lamang sila natatanaw ay, kayganda't tila nagkikislapang ilaw - gregoriovbituinjr. 06.23.2024 * itaw-itaw - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 523 * talampad - konstelasyon, mula sa aklat na Balatik: Etnoastronomiya, pahina 5

L at R

Imahe
L AT R wala raw  R  sa Tsino at wala raw  L  sa Hapon kaya sa Japan, walang pulis at sundalo roon subalit may puris at sundaro, iyon ang meron na aming biruan nang kabataan namin noon gayundin naman, kapag may naghahanap ng  L IGHTER ang Pinoy na mukhang Hapon, tanong ko agad: W R ITER? na pag sinabi niyang bilib siya't ako'y  L EADER baka ibig niyang sabihin, ako'y isang  R EADER kaya  L  at  R  minsan ay nagkakabaliktaran na di  L eft and  R ight o  L ighting  R ally ang kahulugan na sa usapan ay dapat nagkakaunawaan kaya biruan man noon ay dapat mong malaman sa  L  at  R  minsan ay natatawa na lang tayo mahalaga ito'y nauunawaang totoo - gregoriovbituinjr. 06.23.2024

Pusong bakal

Imahe
PUSONG BAKAL minsan, kailangan natin ng pusong bakal upang sa ganitong buhay ay makatagal upang harapin ang problema ng marangal upang labanan ang mga utak-pusakal di sa lahat ng problema'y panghihinaan ng loob kundi matuto tayong lumaban dapat nating patatagin ang kalooban laban sa sistemang bulok ay manindigan marami ang manunuligsa't manlalait sa tulad nating kanilang minamaliit huwag tayong umiyak at maghinanakit tumindig tayo't kapitbisig ng mahigpit maraming isyu't usapin ang naririnig pati pagkatao natin ay nilulupig huwag panghinaan, huwag magpapadaig balang araw, tayo naman ang mang-uusig minsan, kailangang bakal ang ating puso sa paglaban sa burgesya't mga hunyango na tanging gawaing di sila humihinto ay pagsasamantala't pagkahig ng tubo - gregoriovbituinjr. 06.23.2024 * litrato mula sa google

Kahulugan ng pagsinta

Imahe
KAHULUGAN NG PAGSINTA hinagilap kita noon sa diksyunaryo kung ano ang kahulugan ng pag-ibig mo hinahanap din kita sa bawat salita kung kitang dalawa'y talagang magkatugma sa glosaryo'y anong kahulugan ng puso? hinarana pa kita ng buong pagsuyo ah, kailangan ko ng talasalitaan upang maunawaan bawat kahulugan nag-unawaan ang dalawang umiibig pagkat diksyunaryo'y puso kaya nagniig pagkat bawat salita'y isang panunumpa sa Kartilya ng Katipunan nakatala kaya ang pag-ibig ko'y iyong iyo lamang "mahal kita" ang sigaw kong pumailanlang - gregoriovbituinjr. 06.22.2024

5067 at 6507

Imahe
5067 AT 6507 bihirang magtama ang iskor at bilang ng laro subalit naganap, rambol nga lamang ang numero sa  Word Connect , pang- six thousand five hundred seven  laro habang  five thousand sixty seven  naman ang iskor ko tigisang  digit na zero, five, six, at seven , di ba? pareho ng numero, magkaibang pwesto lang nga  abangan ko'y iskor at bilang ay sabay talaga subalit kailangan dito'y sipag at tiyaga halimbawa, sa larong pang- six thousand eight hundred ten ang iskor kong nakuha'y  six thousand eight hundred ten  din dapat lang matiyempuhan nang magawang magaling at huwag susuko, sa laro'y magkonsentra man din salita'y nakakatuwang laruin sa  Word Connect subalit minsan din dapat sa salita'y matinik sa larong ito,  placard  pa ang salitang natitik plakard na sa pagkatao ko'y tatak nang sumiksik - gregoriovbituinjr. 06.22.2024

Mas ligtas daw ang tubig-gripo

Imahe
MAS LIGTAS DAW ANG TUBIG-GRIPO maniniwala ka ba sa sabi ng D.E.N.R. mas ligtas ang tubig-gripo kaysa tubig-mineral subalit ito'y aking nagagawa nang regular pagkat mas mura't sa tubig-gripo'y nakatatagal ang kalidad ng tubig, sa D.E.N.R. ay misyon anila, di lahat ng water refilling station kalidad ng tubig, di laging nasusuri ngayon dapat walang kaibang amoy, lasa't kulay iyon gayunman, hilig kong uminom ng tubig sa gripo minsan, iniinit; minsan sa tiyan na'y diretso lalo't maraming ginagawa't nauuhaw ako na nais kong matighaw agad ang pagkauhaw ko pakiramdam ko'y di naman ako nagkakasakit di pa butas ang bulsa, ito pa'y sulit na sulit huwag lang tubo'y kinakalawang, tiyak sasabit ang iyong tiyan, baka wala ka nang maihirit - gregoriovbituinjr. 06.22.2024 * ulat mula sa pahayagang  Bulgar , Hunyo 15, 2024

Salin ng akda ni Hemingway

Imahe
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang  "The Old Man and the Sea"  na sinalin naman ni  Jess Santiago  na kilala sa awitan sa  The Bookshop  ng  UP Hotel  nabili ko sa halagang sandaan at limampung piso naglathala'y  Sentro ng Wikang Filipino binubuo ng sandaang pahina ito buti't naisalin na ang ganitong akda nang sa gaya ko'y maging kauna-unawa lalo't isang  Nobel Prize winner  ang maykatha na pagpupugayan mo sa kanyang nagawa ating basahin  "Ang Matanda at ang Dagat" sinalin sa ating wika't isinaaklat kaygaan basahin, madaling madalumat mabuhay ang nagsalin, maraming salamat! - gregoriovbituinjr. 06.22.2024

Tinutula ko pa rin...

Imahe
TINUTULA KO PA RIN... tinutula ko pa rin ang pakikibaka ng manggagawa, maralita, magsasaka upang ibagsak ang naghaharing burgesya at itaguyod ang panlipunang hustisya tinutula ko pa rin ang pinapangarap na lipunang patas at walang pagpapanggap lipunang makataong walang naghihirap na kaginhawahan ng dukha'y nalalasap tinutula ko pa rin ang bawat pagtutol sa mga isyu't usaping nakakulapol na tila batik sa gobyerno't madlang pipol tulad ng klima, ChaCha, gera't panunulsol tinutula ko pa rin ang uring obrero sa kanilang laban ay nakiisa ako nang pakikibaka nila'y maipanalo nang lipunan nila'y maitayong totoo - gregoriovbituinjr. 06.21.2024

Is-ra-el ba'y nag-ala-Na-Zi?

Imahe
IS-RA-EL BA'Y NAG-ALA-NA-ZI? pinupulbos ang Palestino ginagawa na'y dyenosidyo pinapaslang ang kapwa tao bakit ba nangyayari ito? nagyabang bang anak ng Diyos? na lahing pinili ng lubos? na sa anumang pagtutuos kakampihan sila ng Diyos? Katoliko'y bulag-bulagan? Is-ra-el pa'y kinakampihan? Father, bakit ba kayo ganyan? aba, kayrami nang pinaslang kahit mali ang ginagawa? ay maka-Is-ra-el pang lubha? gawa sa Palestinong madla ay talagang kasumpa-sumpa ginagaya nila si Hitler? sa dami ng mga minarder? Palestino na'y sinisiil kailan ganito'y titigil? - gregoriovbituinjr. 06.21.2024 * ulat mula sa pahayagang  Abante , Hunyo 9, 2024, pahina 3

Balong

Imahe
BALONG sa Luneta, isa iyong balong o fountain, tubig na pinasirit habang may musikang tumutugtog at napakakulay pa't marikit saglit akong napatigil doon upang magpahinga at magnilay binidyuhan ang balong na iyon na ilaw ay aliw na nagsayaw sana doon sinta ko'y kasama naglilibot kami't namamasyal subalit kaylayo ng Luneta upang isama't doon magtagal sa balong ay napatitig ako tubig ba'y naaksayang totoo? - gregoriovbituinjr. 06.21.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/sQTSEq7oHU/

Dapulak

Imahe
DAPULAK ang alam ko'y may salitang dapurak nagpipiga ng katas sa pagtapak habang sagot sa krosword ay dapulak amag sa halaman pala ang linsyak! dagdag sa nababatid na salita at sa pag-unlad ng sariling wika dapurak at dapulak, magkatugma na sa pagtula'y talagang sariwa mga katagang di agad mapansin ngunit sadyang mahalaga sa atin upang kaalaman ay paunlarin at lumawig ang panitikan natin muli, salamat sa palaisipan umuunlad ang talasalitaan - gregoriovbituinjr. 06.21.2024 *  dapulak  - maliliit at puting funggus sa halaman at puno *  dapurak  - paulit-ulit na pagtapak ay pagpiga upang humiwalay ang katas sa tinatapakan - mula sa  UP Diksiyonaryong Filipino , pahina 265 - palaisipan mula sa  Pilipino Star Ngayon , Abril 28, 2024, p. 10

I'm just a struggling writer

Imahe
I'M JUST A STRUGGLING WRITER (a Filipino dalit in English) I'm just a struggling writer for urban poor and laborer also poet in the corner who is fond of rhyme and meter sometimes have sweet and bad temper what I'm writing is what is right although I'm a Left when I write what I feel, hear, or what's in sight some topics are heavy and tight while others are easy and light sometimes I look in the mirror what if I became a juror writes about tokhang, its horror and judging with all my valor that those topics should I abhor - gregoriovbituinjr. 06.21.2024 * dalit - a native Filipino poem composed of eight syllables per line

Pabula: Huntahan ng 2 pusa

Imahe
PABULA: HUNTAHAN NG 2 PUSA nakita ko ang dalawang alaga masarap ang higa ng isang pusa habang isa naman ay nakalinga na animo'y naghuhuntahang sadya tanong ng isa,  "Saan ka patungo?" sagot sa kanya,  "Ako'y manunuyo ng pusang kayganda't nararahuyo!" "Ingat, baka tungo ay biglang liko!" nakakatuwa't may payo pang hatid ang ate'y nagbilin pa sa kapatid mag-ingat upang di ito mabulid sa disgrasyang di nito nababatid dalawa silang alaga sa bahay doon na isinilang silang tunay kaya lagi akong nakasubaybay nang may maikwento't maisalaysay - gregoriovbituinjr. 06.20.2024 * litratong kuha ng makatang gala

Ang maglingkod sa masa

Imahe
ANG MAGLINGKOD SA MASA O, kaysarap maglingkod sa masa kaya ako naging aktibista magkakasamang nakikibaka para sa panlipunang hustisya api ang sektor ng sagigilid paglaya nila'y nasang ihatid silang sa karimlan binubulid ng burgesya't elitistang ganid kapitalismo'y nakakubabaw sa pamahalaang tuod man daw upang tubo nila'y mapalitaw kaya obrero'y kayod kalabaw pati na dukhang kapos na kapos ay patuloy na nabubusabos  sangkahig, sangtuka na't hikahos na ginhawa'y asam nilang lubos nais kong kahirapa'y mapawi patas na lipunan ang lunggati parehas na palakad ang mithi pantay na sistema't walang hari tubo'y bawasan, sweldo'y taasan! pagsirit ng presyo ay pigilan! pagsasamantala ay labanan! itayo, makataong lipunan! - gregoriovbituinjr. 06.20.2024 * sagigilid - marginalized * kuha sa pagkilos sa Recto bago mag-Mendiola, Hunyo 12, 2024    

Ulap na anyong bakunawa

Imahe
ULAP NA ANYONG BAKUNAWA ulap na anyong bakunawa ang natanaw katanghaliang tapat, sikat pa ang araw sa buwan lang ang bakunawa nauuhaw nalunok na niya'y anim na buwan na raw bakunawa yaong kumakain ng buwan pag may eklipse o laho sa kalangitan na sa alapaap ay aking natandaan na sa panitikan nati'y matatagpuan bakunawa'y tila dragon ang masasabi o kaya sa Ibong Adarna ay serpyente o sa Griyego ay ang earth-dragon ng Delphi tulad ng nagngangalang Python at Delphyne anong sarap pagmasdan ng ulap sa langit mga disenyong di sa atin pinagkait ulap na bakunawa, na ulan ang bitbit sakaling bumuhos sana'y di nagngangalit - gregoriovbituinjr. 06.19.2024

Pagpupuyat na naman

Imahe
PAGPUPUYAT NA NAMAN gabi hanggang madaling araw ay gising pa di pa rin makatulog ang makatang aba kaya si misis, ako'y laging pinupuna sasabihan akong dapat magpahinga na tanto ko namang tama talaga si misis pikit man ako, sa diwa'y nagkakahugis yaong mga katagang di ko na matiis bigla akong babangon sa pagkagiyagis agad kong isusulat ang nasasaisip na ibinulong ng nimpa sa panaginip hinggil sa samutsaring isyung halukipkip pag nawala sa diwa'y walang kahulilip kaya babangon ako't tiyak mapupuyat upang lamig ay damhin nang nakamulagat upang kathain ang sa diwa'y di maampat upang sa kwaderno ang tinta'y ipakalat - gregoriovbituinjr. 06.19.2024 * litrato mula sa app game na Word Connect * pagkagiyagis - pagkabalisa * kahulilip - kapalit, di na maaalala

May kalayaan ba kung gutom ang masa?

Imahe
MAY KALAYAAN BA KUNG GUTOM ANG MASA? may kalayaan ba / kung gutom ang masa may magagawa ba / sa palsong sistema bakit naghahari / ang kapitalista't masa'y tinapakan / ng tusong burgesya! bakit patuloy pa / ang sistemang bulok bakit namumuno'y / pawang trapong bugok dinggin natin yaong / awiting Tatsulok: ang dukha'y atin nang / ilagay sa tuktok ang kapitalismo'y / talagang marahas na sa dagdag sahod / sadyang umiiwas ang lipunan dapat / patas at parehas kaya dagdag sweldo'y / agad isabatas iyang masang gutom / ay wala ngang laya pagkat nasa hawla / ng trapo't kuhila doon ipiniit / ang mayoryang dukha sa sistemang ganyan / dapat makawala kaya sambayanan, / tarang magsikilos at magkapitbisig / tayong mga kapos paghandaan itong / pakikipagtuos sa sistemang dapat / nang wakasang lubos - gregoriovbituinjr. 06.19.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa Daang Espanya, Maynila, Hunyo 12, 2024

Pagdalaw ng paruparong itim

Imahe
PAGDALAW NG PARUPARONG ITIM may paruparong itim na ligaw nasok sa silid, biglang lumitaw tanda ba iyon ng pagkamatay? may namatay, o dalaw ng patay? doon sa munti kong barungbarong ang abang makata'y nagkukulong na animo'y nilamon ng dragon gayong alagata ang kahapon bakit may itim na paruparo sa mapamahiin, iba ito ngunit sa akin ang pagkaitim ay mana dahil ina'y maitim tulad din ng Itim sa Aprika dahil ba maitim, masama na gayong ganyan ang kanilang kulay na itim ang balat nilang taglay naalala ko tuloy ang kwento yaong Black Cat ni Edgar Allan Poe ang masama, gumawa ng krimen puti ang balat, budhi ay itim - gregoriovbituinjr. 06.18.2024

Ang saklad o sakong ng palad

Imahe
ANG SAKLAD O SAKONG NG PALAD sa pagitan ng galang-galangan at palad ang sakong ng palad o tawag nati'y saklad pansin iyon pag sa balibol nakababad kita paano maglaro ang mapapalad na ipinanghahampas ng balibolista sa saklad nila pinatatama ang bola sinasanay nilang maigi sa tuwina kaya kumakapal ang mga saklad nila ganyan ang pagpalo ng  Alas Pilipinas na pag naglaro animo'y palos sa dulas sa laro, hampas ng saklad nila'y malakas habang nilalaro nila'y parehas, patas sa ating mga balibolista,  MABUHAY! at kami rito'y taospusong nagpupugay! ipakita pa ninyo ang galing at husay at hangad namin ang inyong mga tagumpay! - gregoriovbituinjr. 06.18.2024

Anong nararapat itapon?

Imahe
ANONG NARARAPAT ITAPON? saan dapat itapon ang mga basura? dapat bang itapon sa ilog o kalsada? saan itatapon ang pambalot ng tinapa? lalagyan ng pandesal o mga delata? paano ang mga basurang nabubulok? itatapon bang tulad ng sistemang bulok? susunugin ba ito't nakasusulasok? huwag pagsamahin ang bulok sa di bulok? paano itatapon ang bugok na trapo? na katiwalian lang ang laman ng ulo? ugaling palamara ba'y maibabato? tulad ng tuso, sukab, gahaman at lilo? sa daigdig ba'y tambak-tambak na ang plastik? na kahit sa karagatan ay nakasiksik? lulutang-lutang, anong ating mahihibik? kikilos ba tayong walang patumpik-tumpik? di magandang alaala ba'y matatapon? tulad ng masasakit na danas mo noon? o ituturing na aral ang mga iyon? maitatapon ba ang danas ng kahapon? paano rin kaya tayo wastong kikilos? kung mga basura'y hinahayaang lubos? bakit ba ang basura'y di matapos-tapos? ay, sa basura'y mayaman tayo, di kapos! - gregoriovbituinjr. 06.18.2024 * litrato mula sa

Alipapâ

Imahe
ALIPAPĂ‚ Bubungan Patag, sa Dalawampu Pababâ di ko batid ang kasagutan, ano kayâ? hanggang mapalitaw ang sagot: alipapâ may impit ang bigkas, may tudlik na pakupyâ at ang UP Diksiyonaryong Filipino ay akin din namang sinangguning totoo at ang salitang alipapa'y nakita ko na  'patag na bubong'  ang kahulugan nito alipapâ ay talipapâ ang katunog lumang salita bang kaylalim o kaytayog? o salitang kilala sa mga kanugnog na magagamit din sa pagtula kong handog palaisipang ito'y kaylaki ng tulong upang bokabularyo'y talagang yumabong tulad ng alipapâ sa  'patag na bubong' para sa abang makata'y dagdag na dunong - gregoriovbituinjr. 06.17.2024 * palaisipan mula sa pahayagang Abante, Hunyo 15, 2024, p.10 * mula sa UP Diksiyonayong Filipino, p.36

Condong nakaharang sa Mt. Fuji, gigibain na...

Imahe
CONDONG NAKAHARANG SA MT. FUJI, GIGIBAIN NA... photobomb pala ang condong / nakaharang sa Mt. Fuji kaya nagprotesta roon / ang mamamayan, ang madla na nagnanais tuluyang / ipagiba ang nasabi lakas ng kilos-protesta'y / balita sa buong bansa malapit nang i-turn-over / sa nakabili ng yunit subalit mga protesta'y / tila di mapatid-patid sa masa'y nakipulong pa / roon nang paulit-ulit ang estate developer na / Sekusui House Limited ang kanilang unang balak / ay labing-isang palapag hanggang maging sampu na lang / na ang kisame'y mababa ngunit nakaharang pa rin / ang condo kaya di payag ang mga nagpo-protestang / nais itong ipagiba kaya wala nang magawa / ang nasabing developer nagpasya nang idemolis / ang condo nilang tinayo ire-refund na lang nila / sa kanilang mga buyer ang sampung milyong yen bawat / yunit, sa bulsa'y madugo dahil sa mga protesta / ng mamamayang Hapones gigibain ang photobomb / na humarang sa Mt. Fuji at tayo naman, sa Torre / de Manila nagtitiis na

Kahulugan ng salitang salvage (sal-veydz)

Imahe
KAHULUGAN NG SALITANG SALVAGE (SAL-VEYDZ) SALVAGE  ay salitang pagligtas ng ari-arian sa kargamento't barkong lubog ay pagpapalutang ang  salvage  ay Ingles na  pagsalba  ang kahulugan mula sa panganib ay pagligtas ng kagamitan subalit ikatlong kahulugan nito'y kaiba sapagkat  salvage  ay di mula sa salitang salba kundi sa salitang  salbahe , salbahe talaga na pagpaslang ng ahente ng estado sa masa kilala na ng mga tibak ang salitang ito isang sistema ng karahasan noong marsyalo dinudukot, nirarampa, sa ilog o sa kanto na sa mga nakikibaka'y tugon ng gobyerno extrajudicial killing  o  EJK  ito ngayon walang wastong proseso sa mga biktima niyon basta nakursunadahan ang buhay na patapon nahan ang katarungan? ang madalas nilang tanong "Hustisyang panlipunan ba'y kailan makakamtan?" sigaw nila:  "Karapatang Pantao, Ipaglaban!" "Human Rights Defenders Protection Bill, Ipasa Iyan!" mga panawagang hinihingi'y pananagutan - gregoriovbituinjr. 0

Imbes itlog, kamatis sa eggtray

Imahe
IMBES ITLOG, KAMATIS SA EGGTRAY imbes itlog ay pawang kamatis sa eggtray ng frigider o ng ref pagkat pampakinis daw ng kutis bukod sa tubig ay laman ng ref mura ang kamatis kaysa itlog na makakain mo pa ng hilaw kahit buhay ay kakalog-kalog ay may pag-asa pang natatanaw di nawawala sa aking ulam ang kamatis, sibuyas, at bawang upang kagutuman ay maparam sa sandaling salapi'y konti lang O, kamatis, isa kang biyaya sa mga tulad kong abang dukhâ na sa tuwina'y laging kasama sa pakikibaka't mga digmâ - gregoriovbituinjr. 06.17.2024

Pahinga sa hapon

Imahe
PAHINGA SA HAPON umuulan na, maginaw, pahinga muna sa hapon, hapong-hapo mula paglalaba at sa samutsaring gawain sa kusina upang makakain din ang buong pamilya hapon, talukap ng mata'y papikit-pikit habang si bunso sa ama'y nangangalabit "Tulog na po tayo, Itay,"  ang kanyang hirit habang si bunso sa bisig ko'y nangunyapit radyo'y binuksan ko't musika'y pinakinggan nagbabalita'y pasingit-singit din minsan maya-maya, ito'y aking nakatulugan ipinapahinga ang katawan sa hapon nang may lakas upang magampanan ang misyon at maya-maya lang, kami'y muling babangon - gregoriovbituinjr. 06.17.2024