Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2024

Infusion complete

Imahe
INFUSION COMPLETE pag tumunog na ang aparato "infusion complete" , ang sabi rito ang nars ay agad tatawagin ko dextrose na'y tatanggaling totoo kayraming suwerong nakakabit kay misis, tila paulit-ulit mga pasa sa braso'y malimit turok dito't doon, anong sakit patuloy lang akong nagbabantay sa ospital, dito naninilay ang maraming tula't bagay-bagay sana'y gumaling na siyang tunay pandalawampu't isang araw na namin sa ospital, umaasa akong siya'y gagaling talaga sa sakit na dinaranas niya - gregoriovbituinjr. 11.12.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/vOmcTYVzly/  

Pagpupugay kay kasamang Edwin

Imahe
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG EDWIN taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin na higit dalawang dekada ang nagdaan noong dumalaw kayo ni Omar sa akin habang hinihimas ko'y rehas sa piitan tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon sa piitan tayo unang nagkakilala hanggang dumating din ang asam na panahon  ng paglaya't muling naging lingkod ng masa  sa Ex-D Initiative, ako'y niyaya mo sa grupo ng dating political prisoners at doon kumilos, aktibong naging myembro sigaw natin:  Free All Political Prisoners! pagpupugay, Ka Edwin, sa iyong pagpanaw  isa kang inspirasyon sa mga kauri ang mga nagawa mo'y magsisilbing tanglaw  paalam, Kasamang Edwin, hanggang sa muli - gregoriovbituinjr. 11.12.2024

Bone marrow biopsy

Imahe
BONE MARROW BIOPSY isinagawa kagabi ng mga doktor yaong bone marrow biopsy sa aking misis bone marrow pala'y bulalo ng ating buto pangatlong testing na iyon sa isyung blood clot o pamumuo ng dugo na nagbara na sa kanyang mga bituka di makapasok ang nutrients at oxygen baka mabulok ang ilang mga bahagi niyong bituka pag di agad naagapan nag-surgery na hanggang ngayon di pa batid ng mga doktor ang sanhi bakit nag-blood clot sa may bituka negative ang unang testing at pangalawa ikatlo pag nag-positive matutukioy na ang sanhi ng pagba-blood clot nang malapatan na ng kaukulang lunas upang si misis ay gumaling na sa sakit na dinaranas - gregoriovbituinjr. 11.11.2024

Salà ng ina

Imahe
SALÀ NG INA ano kayang klase siyang ina? na binugaw ang apat na anak na edad dalawa, apat, anim at panganay na labingdalawa paglabag na iyon sa  OSAEC o batas na  Online Sexual Abuse and Exploitation of Children , bakit niya nagawa'y salang kaylupit  sadyang kawawa ang mga bata  sa nakagugulat na balita  sa hirap ng buhay, ang nagawa ng ina'y krimen, kaytinding salà paano pag anak na'y lumaki? sila kaya sa ina'y kakampi? ang ina ba nila'y masisisi? o salang ito'y isasantabi - gregoriovbituinjr. 11.10.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, 11.10.2024, p.2

Hemoglobin

Imahe
HEMOGLOBIN nang dinala ko na sa ospital si misis mababa na pala ang kanyang hemoglobin terminong iyon ay noon ko lang narinig red blood cell na'y di makabigay ng oxygen maraming terminong dapat kong matutunan nang maunawaan ang mga kahulugan terminong medikal na dapat kong malaman upang si misis ay aking maalagaan limang punto lamang ang hemoglobin niya ang normal pala niyon ay labingdalawa unang linggo pa lang, ilang bag ng dugo na sa mga testing, nakitang anemic siya at kagabi, muling sinalinan ng dugo si misis, ako naman ay nakatalungko ramdam ko ang kanyang pagdurusa't siphayo minamasdan ko siya't talagang hapong-hapo - gregoriovbituinjr. 11.09.2024 * litratong kuha sa ika-18 araw namin sa ospital

Salin ng tula ni Charlie Chaplin

Imahe
SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang daigdig, na ala-gansang hinakbangan tayo sa dusa't pagdanak ng dugo. Nakagawa tayo ng mabilis, subalit sarili natin ay ipiniit. May makinaryang ang bigay ay kasaganaan ngunit nilulong tayo sa pangangailangan. Ginawa tayong mapanlait ng ating nalalaman; ang ating talino, matigas at hindi mabait, Labis tayong nag-iisip at kaunti ang nararamdaman. Higit pa sa makinarya, kailangan natin ang sangkatauhan. Higit pa sa talino, kailangan natin ng kabutihan at pagkamahinahon. Kung ang mga katangiang ito'y wala buhay ay magiging marahas at lahat ay mawawala. ~ Charlie Chaplin * ang mga litrato ay mula sa isang fb page 11.08.2024 Si Sir Charles Spencer Chaplin, Jr., KBE (Abril 16, 1889 – Disyembre 25, 1977), mas kilala bilang Charlie Chaplin, ay isang Ingles na komedyanteng aktor at tagagawa ng pelikula na nagkamit ng mga parangal sa Academy Awards.

Barya lang po sa umaga

Imahe
BARYA LANG PO SA UMAGA nagtraysikel ako upang puntahan ang pinapakay sa isang tanggapan upang pagamutan ay mabayaran upang hirap ng loob ay maibsan nag-aayos ng mga dokumento para sa guarantee letter na ito pupuntahan ang mga pulitiko DSWD at PCSO nasa ospital pa kasi si misis dahil sa sakit niyang tinitiis sa ospital ay maagang umalis kaya dapat pagkilos ko'y mabilis buti't sa bulsa ko'y may mga barya ika nga, "barya lang po sa umaga" ang aking misis nawa'y gumaling na sabi, habang may buhay, may pag-asa - gregoriovbituinjr. 11.08.2024 * kuha ang litrato, Nobyembre 7, 2024

Babantayan kita magdamag

Imahe
BABANTAYAN KITA MAGDAMAG mahal ko, ako'y narito lang upang punan ang pagmamahal di man ngayon makapaglibang dahil narito sa ospital gagawin ko ang makakaya kahit ikaw ay nahihimbing patuloy pa ring umaasa na ikaw talaga'y gagaling habang nariyang nakaratay tandaang naririto ako hindi magsasawang magbantay sa ospital para sa iyo nawa'y lalagi kang matatag nang gumaling na't mapanatag - gregoriovbituinjr. 11.07.2024

Tricyle blg. 001

Imahe
TRICYCLE BLG. 001 bilang 001 ang tricycle kong nasakyan ibig sabihin una siya sa listahan naisip ko ngang 007 ay abangan parang James Bond 007, lilitratuhan at gagawan ko iyon ng mahabang tula marahil maikling kwento o kaya'y dula na sinakyan iyon ng mga manggagawa na serbisyo sa bayan ay mahaba-haba natsambahan ko lamang makasakay doon habang tinatrabaho yaong nilalayon habang nararamdaman sa sikmura'y gutom habang wala nang oras sa paglilimayon tricycle 001 at James Bond 007 nakakatuwang karanasan na sa akin tricycle 007 sana'y masakyan din upang may tula't kwento akong kakathain - gregoriovbituinjr. 11.06.2024 * kuha sa tricycle na nasakyan ng makatang gala, Nobyembre 6, 2024

Pang-14 na araw na namin sa ospital

Imahe
PANG-14 NA ARAW NA NAMIN SA OSPITAL hanggang ngayon, nagbabantay pa sa ospital kay misis na nakaratay na ng matagal panglabing-apat na araw na namin dito ang asam ko'y gumaling na siyang totoo ako ang bantay dahil ako ang asawa at ang mahalaga ay lalakarin ko pa ang dokumento upang humingi ng tulong sa ilang ahensyang maaaring tumugon salamat din kay  Regine  na kasama niya sa trabaho na umaasiste talaga halinhinan kami sa pagbantay kay  Libay na kapara ng ilaw sa gabi'y patnubay kaytindi na ng sakit niyang tinitiis na sa pang-apat na araw siya'y tinistis ng mga doktor pagkat malapot ang dugo na nagbabara sa bituka, ay, nakupo sana'y umalwan na ang kanyang pakiramdam at gumaling nawa sa kanyang karamdaman lahat ng asam na tulong sana'y dumating at si misis sa kanyang sakit na'y gumaling - gregoriovbituinjr. 11.05.2024

Abito at sotana

Imahe
ABITO AT SOTANA akala ko'y pareho ang abito at sutana subalit sa palaisipang ito'y magkaiba Siyam Pababa: Damit ng pari; Sagot: Abito na kaiba naman sa Damit ng sakristan dito Apatnapu't Isa Pahalang: Damit ng sakristan Sagot: Sotana;  magkaiba nga ng kahulugan subalit sa ibang palaisipan, ang sotana at abito ay magsingkahulugan sa kanila na sa palaisipang ito'y pinag-ibang sadya kaya may bagong natutunan ang abang makata ang pari at sakristan ay may magkaibang baro kahit parehong puti ay agad mong mahuhulo ang sotana'y sa sakristan, ang abito'y sa pari sa mga kahulugan ay may bagong nahahawi dagdag-kaalaman at paglalaro ng salita na magagamit sa sanaysay, kwento't ibang akda - gregoriovbituinjr. 11.05.2024 * mula sa pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 5, 2024, p.7

Kwentong manananggal

Imahe
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon ay manananggal ako" napakapayak ng istorya ng nagmumultong manananggal  kaya pala namatay siya ay di nakita ang natanggal niyang kalahating katawan nang minsang sumikat ang araw wala na siyang nabalikan at siya'y tuluyang nalusaw sa komiks man ay patawa lang ni Mang Nilo na nagsalaysay kwento ng kaibang nilalang ngunit may lagim yaong taglay - gregoriovbituinjr. 11.04.2024 * komiks istrip mula sa pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 2, 2024, p.7

Na-redtag sa ospital

Imahe
  NA-REDTAG SA OSPITAL akala ko'y sa pulitikal na gawain lamang maaaring ma-redtag, pati pala sa ospital pag halagang kalahati'y di agad nabayaran iyan ang naranasan namin nang dito'y tumagal pag redtag ka, lahat ng gamot ay bibilhin mo na kahit madaling araw ay gigising ka talaga paano kung disoras ka maghahanap ng pera upang makabili ng kailangan sa parmasya isa itong karanasang sadyang masalimuot lalo't pakiramdam ko'y para bang binabangungot lalo't mister ng pasyente'y tibak na walang sahod napupuyat, walang tulog maghapon at magdamag sa kalagayan ni misis dapat magpakatatag lalo't hanggang dito sa ospital pa'y nare-redtag - gregoriovbituinjr. 11.04.2024

Himaton ay YOU at YOUR

Imahe
HIMATON AY YOU AT YOUR sa cryptogram na palaisipan YOU  at  YOUR  ang himaton ko o clue imbes  THE  o  THEM  ang kasagutan dahil sinilip ang angkop dito salamat sa dyaryo't may libangan at pinagkakaabalahan ko pag nagbabantay sa pagamutan kay misis na naopera rito kaysarap laruin ng cryptogram  na pampatalas ng ating ulo na talaga mong kagigiliwan pampatay-inip at ehersisyo - gregoriovbituinjr. 10.03.2024 * "When you change your thoughts, remember to also change your world." ~ Norman Vincent Peale * mula sa Philippine Star, Nobyembre 3, 2024, p.2

Makakalikasang supot ng botika

Imahe
MAKAKALIKASANG SUPOT NG BOTIKA bumili ako ng bitamina doon sa  Mercury Drug  kanina supot na papel nila'y kayganda at may tatak pang-ekolohiya magandang paalala sa atin upang mga itatapon natin plastik man iyon o papel man din ay sa maayos natin dadalhin Reduce, Reuse, Recycle  ang tatak paalala itong munti't payak na dapat namang maging palasak nang basura'y di magtambak-tambak salamat at may abisong ganyan na talagang pangkapaligiran na sana'y sundin ng mamamayan para rin sa ating kabutihan - gregoriovbituinjr. 11.03.2024

18,756 ang inabusong bata noong 2023

Imahe
18,756 ANG INABUSONG BATA NOONG 2023 Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa Philippine Star na may petsang Nobyembre 2, 2024, may dalawang sulatin hinggil sa karapatan ng mga bata. Ang una, na nasa pahina 4, ay pinamagatang  "18,756 children's rights violations recorded in 2023 " at ang Editoryal na nasa pahina 8 ay may pamagat namang  "Protecting Children" . Narito ang apat na unang talata ng balita, na malaya nating isinalin sa wikang Filipino: "Over 18,000 reports of child violations have been documented in the country for 2023, a majority of which were cases of rape and acts of lasciviousness, the Council for the Welfare of Children (CWC) said yesterday. Based on the records of the Philippine National Police-Women and Children Protection Center, a total of 18,756 reports of child violation were logged for the year 2023. Of this number, 17,304 were “rape and acts of lasciviousness.” “Since 2016, these are the top violations committed agai

Sino si Norman Bethune?

Imahe
SINO SI NORMAN BETHUNE? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kasintunog ng apelyido kong Bituin ang Bethune (na binibigkas umano na silent e, tulad ng Betun). Nabasa ko noon ang buhay ni Norman Bethune bilang isang doktor na mula sa Canada. Nabanggit ang kanyang pangalan sa Limang Gintong Silahis o Five Golden Rays na sinulat ni Mao Zedong. Tungkol ito sa pagkilala kay Bethune nang mamatay siya, at binigyan ng luksang parangal. Isang doktor ng rebolusyong Tsino si Norman Bethune.  Tulad ng doktor na si Che Guevara, na isinalin ko ang kanyang akdang Rebolusyonaryong Medisina, pumasok sa utak ko si Norman Bethune. Nagsaliksik pa ako hinggil sa kanya, lalo na't naglingkod siya sa Partido Komunista ng Tsina bilang siruhano o surgeon. Dalawang doktor na naglingkod sa masa, na muling binabalikan ko ngayon, dahil na rin sa pagkakaratay ni misis sa ospital. Habang ako naman ay isang aktibistang nagrerebolusyon kasama ng uring manggagawa. Dalawa silang inspirasyon hinggil sa

Undas

Imahe
UNDAS inaalala ang mga patay  mga nawalang mahal sa buhay lalo na ang butihin kong tatay na ngayong taon nawalang tunay pagpanaw nila'y ginugunita nadarama ang pangungulila ipinagtitirik ng kandila sa sementeryo't sa bahay pa nga Itay, magkakasama na kayo nina Tatang, Lola, Tiya, Tiyo ngayong Undas po'y buong respeto nasa puso't diwa namin kayo sa inyo'y panalangin ang alay ng inyong mga mahal sa buhay na patuloy pa ring nagsisikhay nang kamtin ang pangarap na tunay - gregoriovbituinjr. 11.02.2024

Pambayad ko'y tula

Imahe
PAMBAYAD KO'Y TULA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nang ilunsad ang The Great Lean Run noong 2016, sabi ko sa mga organizer, wala akong pambayad kundi sampung tula. Dahil doon, pinayagan nila akong makasali at makatakbo sa The Great Lean Run. Matapos ang isang taon, sa nasabing aktibidad noong 2017, nailathala ko na ang mga iyon bilang munting aklat na naglalaman ng mga tula kay Lean. Natupad ko ang pangako kong sampung tula, ngunit dinagdagan ko kaya labinlimang tula iyon pati na mga isinalin kong akda ang naroroon. Sa gipit naming kalagayan ngayon, anong magagawa ng tula, gayong batid kong walang pera sa tula. Nakaratay si misis sa ospital, dahil sa operasyon, may ilang mga kaibigan at kasamang tunay na nagmalasakit at nagbigay ng tulong. Alam nilang pultaym akong kumikilos habang social worker naman si misis na hina-handle ay OSAEC (online sexual abuse and exploitation of children). Bagamat secgen ako ng dalawang organisasyon, XDI (Ex-Political Detainees Init