Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2024

Kaligtasan

Imahe
KALIGTASAN kaligtasan niya'y prayoridad ito ang talaga kong naisip nang karamdaman niya'y nalantad sa akin, dapat siyang masagip dinala sa ospital na iyon upang magamot siyang totoo nang di pa batid ang presyo niyon lumobong dalawang milyong piso subalit dapat siyang magamot malutas agad ang sakit niya at maligtas sa gayong bangungot kaya agad siyang inopera pagkat tiyak na ang kamatayan kung bituka'y tuluyang mabulok lapot ng dugo'y kaytindi naman oxygen sa ugat di pumasok bagamat sa pambayad pa'y kapos kaya di pa makalabas dito mahalaga siya'y nakaraos pantustos ay hanap pang totoo paglabas, gamutan ay patuloy blood thinner ay madalas bibilhin upang sa ugat ay mapadaloy nang sa sakit tuluyang gumaling - gregoriovbituinjr. 12.05.2024

Tulok

Imahe
TULOK Una Pahalang, tanong ay  TULOK tila ba kaylalim na Tagalog isip-isip, katugma ng TULOG kaya Pababa muna'y sinagot hanggang natanto ko't natandaan sagot sa dating palaisipan tila ba dumi sa tainga iyan at nakita nga ang kasagutan kahulugan ng  TULOK  ay  LUGA ah, nasagutan ko rin ng tama dagdag-kaalaman sa salita na magagamit din sa pagtula kaya sa krosword, salamat muli at itong utak ko'y nakabawi palaisipan ay sadyang binhi sa talasalitaan ng lahi - gregoriovbituinjr. 12.04.2024 * palaisipan mula sa pahayagang Bulgar, Disyembre 4, 2024, pahina 11

Banner ng TFDP

Imahe
BANNER NG TFDP nakasakay akong dyip puntang pagamutan tinatakang banner sa Kamias nadaanan TFDP  iyon, agad kong kinodakan naghahanda na sa  Araw ng Karapatan lampas isang buwan na kami sa ospital di ko sukat akalaing gayon katagal na nagbabantay sa aking asawang mahal ay, ramdam ko pa rin ang pagkakatigagal ngunit nang makita ang banner ay sumigla nabuhay ang loob mula pagkatulala biglang lumakas ang katawan, puso't diwa tila naalpasan ko ang kaytinding sigwa kaya sa  Araw ng Karapatang Pantao sa pagkilos nila'y sasama muli ako panata sa sarili'y magsilbing totoo sa masa, sa maralita't uring obrero - gregoriovbituinjr. 12.04.2024 * TFDP - Task Force Detainees of the Philippines 

Pila

Imahe
PILA mahaba ang pila sa DSWD kanina pang umaga, pumila'y kayrami nagbabakasakaling may makuha dini upang sa ospital, may maibayad kami hapon na, ngunit di pa magawa ang mithi ganyan ang buhay, kayraming bakasakali dapat handa ka ring ang gutom ay mapawi magbaon ka ng biskwit at tubig palagi buti na lang, kami'y may silya't nakaupo kundi tiyak ngalay kami sa katatayo dokumento'y tiyakin mong kumpleto 't buo nang di ka naman uuwing lulugo-lugo tiyaga-tiyaga lang, sa sarili'y bilin maya-maya lang ay makakausap na rin ako ng social worker, kakapanayamin para sa guarantee letter na aking kukunin - gregoriovbituinjr. 12.03.2024 * DSWD - Department of Social Welfare and Development * litratong kuha ng makatang gala bandang ikatlo ng hapon ng Disyembre 3, 2024

Bukangliwayway

Imahe
BUKANGLIWAYWAY kaytagal nahimbing kay-agang nagising agad nang naligo baho'y pinaglaho dapat gumayak na at kumain muna kaylayong totoo ng pupuntahan ko barya ko'y binilang tungong pupuntahan saan ba aabot ang baryang nadukot sa aking pantalon nang tupdin ang layon ah, kaygandang ugnay ang bukangliwayway - gregoriovbituinjr. 11.03.2024    

Nilay

Imahe
NILAY nakikibaka pa rin kahit ako'y gabihin kahit dito'y ginawin kahit walang makain tibak kaming Spartan ay patuloy sa laban nais naming makamtan pangarap na lipunan at dapat ding isipin ang kalusugan natin habang papag-alabin ang puso't diwa pa rin para sa masa't uri obrero'y ipagwagi mga pag-aaglahi'y di dapat manatili - gregoriovbituinjr. 12.02.2024

40 days at 40 nights na sa ward

Imahe
40 DAYS AT 40 NIGHTS NA SA WARD umabot na kami ng apatnapung araw at apatnapung gabi dito sa ospital kaytagal namalagi, pagkain ay lugaw paano'y naoperahan dito si mahal sa isang munting sakit, maraming nakita mula gall stone at gerd, mayroon palang blood clot namuo ang dugo sa bituka, nagbara at di makapasok ang oxygen sa ugat siya'y naoperahan, hanggang naimpeksyon ang dugo, dalawang linggong antibayotik na anong lakas daw, ramdam ni misis iyon at sa harap niya, ako'y di makahibik rare case, anang mga doktor, may mayoma pa ilang beses siyang sinalinan ng dugo dahil anong baba ng hemoglobin niya ah, kailan ba sakit niya'y maglalaho nagsagawa pa nga ng bone marrow biopsy na pangatlong eksamen kung sanhi ba'y ano di pa batid sa pagsususuri ang nangyari lalo't resulta ng biopsy: negatibo mabuti't guarantee letter na'y nagsipasok malaking tulong sa kaymahal na gamutan kung saan kukuha ng pera'y di maarok upang ipandagdag sa aming babayaran - gregoriovbi...

The artistry and activism in me

Imahe
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter  Marcel Duchamp  died that was the day I was born when massacre of  students  in Tlatelolco, Mexico  happened that was the day I was born a painter died, a future poet  was conceived from her mother's womb protesting students were massacred a future student and activist was conceived from her mother's womb in my blood is the shaper of words in Filipino who's father is a Batangueno who's mother is a Karay-a from Antique who inculcated in me words that is deep even if I was raised as a Manilenyo also in my blood were  Spartan activists who fight for equality, justice and truth Duchamp and the Tlatelolco students have died the day I was born their memory and legacy will be in my blood, brain, heart and bone I will continue the artist in me I will continue the activist in me I don't usually believe in what they call reincarnation I just thought that the date of their  death is the same as my birth I was bor...

Disyembre na naman

Imahe
DISYEMBRE NA NAMAN ramdam ang simoy ng hanging amihan na tanda ba ng parating na ulan? Disyembre na, marahil kaya ganyan o  climate change , klima'y nag-iba naman unang araw ng Disyembre,  World AIDS Day a-syete,  Political Prisoners Day sa ikasiyam,  Anti-Corruption Day sa petsa sampu naman,  Human Rights Day may sanlinggo pang ang dukha'y hihibik yaong  Urban Poor Solidarity Week na baka gawing  Urban Poor Protest Week pagkat sa hirap pa rin nakasiksik tatlong linggo na lamang at  Pasko  na paulit-ulit, wala bang pag-asa? kayrami pang palaboy sa kalsada kayrami pa ring hanap ay hustisya! - gregoriovbituinjr. 12.01.2024