PALAYAIN ANG MENDIOLA 216! noong Setyembre twenty-one, maraming dukha ang nasa Mendiola , nakipagbakbakan na karamihan ay tinedyer, talubata ekspresyon ng galit sa mga kurakutan naalala ko ang Nepal at Indonesia sa kanila, nagkaroon ng pagbabago sa Nepal , niluklok ng mamamayan nila yaong unang babaeng pinunong ministro sa Indonesia , putok na isyu'y pabahay ng mga mambabatas, sa rali binangga ng pulisya ang isang rider at namatay ang kaytinding gulo'y dito na nagsimula sa bansa, napatay ang isang Eric Saber na umano'y di naman kasama sa rali hustisya na'y panawagan, ito na'y murder habang mga pulis, kayrami nang hinuli nasa dalawandaan, labing-anim yaong dinampot ng pulis, ito nga'y kahungkagan tingin ko, lehitimong galit sa korapsyon ang ipinakita ng mga kabataan kaya ngayong Black Friday Protest , aking hiyaw: palayain na ang Mendiola Two-One-Six! hulihin ay mga Senador na nagnakaw sa kaban ng bayan, perang dapat ibalik - gregoriovbitui...