namamatay ako tuwing gabi, buong magdamag
nagtutungo sa ibang daigdig, naglalagalag
nagkakaroon ng espasyo ang buhay na hungkag
nabubuhay muli sa bukangliwayway na sinag
at muli't muli tuwing gabi'y muling namamatay
at ako'y nagbabalik sa pinagdaanang hukay
at doon ko sinasariwa ang sugat at lumbay
na humiwa sa aking puso't pagkataong taglay
di mapakali sa buhay na sakbibi ng hirap
di makamit yaong mga gintong pinapangarap
di maisatitik ang mga dusang lumaganap
di matingkala yaring buhay na aandap-andap
mabubuhay muli pag bukangliwayway na'y napit
habang sa dulo ng patalim ay nangungunyapit
sabay tanong: ano, sino, saan, kailan, bakit
at paano, sa iwing buhay na pulos pasakit
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nang hinuli ang mga hubad
NANG HINULI ANG MGA HUBAD Kay Balagtas: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa bait at muni, sa hatol ay salat. Ngayon: Dah...
-
MAY MADALING ARAW NA GANITO I ako'y biglang naalimpungatan nang may kumaluskos sa pintuan ang balahibo ko'y nagtayuan di mawari ng p...
-
ANG PAGHUHUGAS NG PINGGAN AY PANAHON NG PAGKATHA may napansin sa sarili / kung paano ba kumatha na habang nasa lababo, / may biglang nasasad...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento