naninibasib na naman ang mga mapapalad
na kumikita ng ginto sa samutsaring saplad
inilista lang sa tubig ang kasalanang lantad
sa pagpapakatao'y karaniwan silang hubad
dugtong-dugtong ang libog ng nagbabating hunyango
habang nasa diwa animo'y di niya makuro
sa punong walang dahon, mga ibon ay dumapo
tinutungkab ang sangang tila nagbabagang ginto
sa may di kalayuan may nagbabadyang sakuna
sadyang nakasusulasok na ang usok sa planta
kaya nilalayuan iyon ng agila't maya
iyon na yata ang tanda ng nagbabagong klima
o, turan mo, sinta, kung saan tayo daratal
habang nilalakbay natin ang maraming arabal
naririyan kang animo'y diyosa sa pedestal
sasambahin kitang tila ako'y makatang hangal
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nang hinuli ang mga hubad
NANG HINULI ANG MGA HUBAD Kay Balagtas: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa bait at muni, sa hatol ay salat. Ngayon: Dah...
-
MAY MADALING ARAW NA GANITO I ako'y biglang naalimpungatan nang may kumaluskos sa pintuan ang balahibo ko'y nagtayuan di mawari ng p...
-
ANG PAGHUHUGAS NG PINGGAN AY PANAHON NG PAGKATHA may napansin sa sarili / kung paano ba kumatha na habang nasa lababo, / may biglang nasasad...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento