asahan mo, irog
ang aking pagluhog
puso'y dinudulog
pagsinta'y kaytayog
asahan mo, sinta
nasa puso kita
laging narito ka
buhay ko't lahat na
asahan mo, giliw
sa harana'y saliw
pagsinta't aliw-iw
na di magmamaliw
asahan mo, hirang
saka'y nililinang
upang huwag lamang
poste'y binibilang
alam mo, mutya
ng buhay kong dukha
pagsinta'y panata
at tunay na sumpa
asahan mo, liyag
puso kong binihag
mo'y naging panatag
salamat sa habag
asahan mo, mahal
pagsinta mang bawal
o pagsinta'y banal
kita'y magtatagal
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Huwebes, Mayo 7, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Trapo at basahan
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...
-
ang isang kilong sibuyas ay para na ring alahas pagkat ang ipinamalas ay pagmamahal na wagas - dalĂt ni gregoriovbituinjr. 02.09.2023 * ang ...
-
TUGON SA NABASA SA MESSENGER kaybigat ng walang pamasahe tulad na lang ng kanyang sinabi subalit kung ako, lalakarin ko iyon, kalsada'y ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento