A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Kwento ng makatang hangal
Kunin ang link
Facebook
X
Pinterest
Email
Iba Pang App
kwento ng makatang hangal:
sa umaga'y nag-almusal
sa tanghali'y nagpakasal
sa hapon ay isinakdal
sa gabi'y nagpatiwakal
- gregoriovbituinjr.
* litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan
SI ESPIRIDIONA BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Sino nga ba si Espiridiona Bonifacio, o Nonay? At ano nga ba ang ambag niya sa Katipunan? Nakabili ako ng dalawang aklat na tiglilimampung piso lang ang isa noong Disyembre 9, 2019 na pumapatungkol kay Gat Andres Bonifacio at sa Katipunan. Ito'y ang " Kartilyang Makabayan" , na sinulat ni Hermenegildo Cruz (Inilimbag sa Maynila noong 1922), umaabot ng 70 pahina, at ang "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" na sinulat ni Jose P. Santos (Ikalawang Pagkalimbag, 1935), umaabot naman ng 43 pahina. Dito'y nabasa ko ang ilang tala sa buhay ni Ginang Espiridiona Bonifacio. Bagamat sa isang aklat ay mali ang tala, na iwinasto naman sa isa pang aklat. Sa pahina 6 ng "Kartilyang Makabayan" ay ganito ang nakasulat: "2. - Nagkaroon ba siya ng mga kapatid? (na tumutukoy kay Gat Andres Bonifacio) - Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona, at Troadio. Ang dalawan
SA PAMAMARIL KINA KA LEODY nakabibigla ang mga naganap habang sila ay nakikipag-usap sa mga katutubo't nagsisikap malutas ang isyung kinakaharap ngunit buhay nila'y puntiryang ganap pinagbabaril sina Ka Leody ng kung sinong di pa natin masabi natamaan ay ang kanyang katabi kung nagawa sa magpe-presidente lalong magagawa sa masang api ayon sa ulat ay nangyari iyon sa Barangay Butong, Quezon, Bukidnon sa tribu ng Manobo-Pulangiyon lima ang sugatan sa mga iyon buti't walang namatay sa naroon pinagtangkaan ang kanilang buhay ng kung sinong mga nais mang-agaw ng lupang ninunong talagang pakay bago iyon ay niralihang tunay ang minahan, isyu iyong lumitaw walang negosasyon, sadyang madugo pag patungkol na sa lupang ninuno na nais maagaw sa katutubo isyung dapat ngang malutas ng buo buti't walang namatay, salamat po ingat kayo diyan, mga kasama sa patuloy ninyong pangangampanya sana, biktima'y kamtin ang hustisya sinumang maysala'y mapanagot pa isyu'y mapag-usapan,
Mga basura sa bangketa kayraming basura doon sa bangketa sino bang kukuha? hahayaan lang ba? walang pumapansin kahit napapansin anong dapat gawin pabayaan lang din? sinong may pakana ng ganitong gawa tingin ba ng madla gobyerno'y pabaya? sinong magtatapon ng basurang iyon? huwag magmarunong mabuti'y tumulong - gregoriovbituinjr. - litratong kuha ng makatang gala sa isang bangketa niyang dinaanan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento