SONETO SA PATATAS
mabuti't may mga patatas na marami-rami
na ngayong lockdown ay may makakain pa rin dini
lalo't sa kwarantinang ito'y di na mapakali
di basta makalabas, di ka basta makabili
mag-eksperimento, gawin ay sari-saring luto
gayat-gayatin, ilaga, pag kumulo'y ihango
o kaya naman sa noodles, patatas ay ihalo
o gawing French fries, pangmeryenda, kahit di ilako
ang mahalaga ngayon, may patatas na sasagip
lalo na't may pandemya'y may pagkaing halukipkip
ang makapaghanda ng wasto'y walang kahulilip
pamilya'y di magugutom o kung solo'y may kipkip
kung patatas ay makasagip, aming pasalamat
at nakatulong siya sa panahong di masukat
- gregoriovbituinjr.
08.08.2021
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Di mailarawan sa salitâ
DI MAILARAWAN SA SALITÂ walang salitâ ang makapaglalarawan pag minamahal mo'y nawalâ nang tuluyan dalamhati ang wikang nauunawaan ng pus...
-
MAY MADALING ARAW NA GANITO I ako'y biglang naalimpungatan nang may kumaluskos sa pintuan ang balahibo ko'y nagtayuan di mawari ng p...
-
ANG FROST O ANDAP Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang frost ba sa salitang Benguet ay andap? Ito ang nabasa ko sa balita ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento