AKLAT NI AT KAY LUALHATI BAUTISTA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Kilala natin si Lualhati Bautista bilang manunulat ng nobela, tulad ng Gapo, Desaparesidos, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa, at Dekada '70 . Subalit hindi bilang makata. Kaya nang makita ko ang aklat niyang Alitaptap sa Gabing Madilim (Koleksyon ng mga tula) ay hindi na ako nagdalawang isip na bilhin, kahit pa iyon ay singhalaga ng siyam na kilong bigas na P50 kada kilo. Ang mahalaga'y magkaroon ako ng kanyang aklat, dahil baka di ako mapakali pag hindi iyon nabili. May aklat din ng pagtalakay sa pagiging nobelista ni Lualhati Bautista ang magaling na awtor na si E. San Juan Jr., kung saan tinalakay niya ang 'mapagpalayang sining ng kababaihan sa Pilipinas'. Nabili ko ang aklat ng mga tula ni Lualhati Bautista sa booth ng Anvil Publishing sa ikalawang araw ng Philippine Book Festival 2025 sa halagang P450.00. At nabili ko naman sa booth ng UST Publishing House sa ikaapat at huling araw ...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento