A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Tanaga sa upos
Kunin ang link
Facebook
X
Pinterest
Email
Iba Pang App
TANAGA SA UPOS
ang nagkalat na upos
sa paligid na'y ulos!
solusyon bang papatos
ay sangkaterbang kutos?
- gregoriovbituinjr.
07.13.2022
* tanaga - taal na tulang may pitong pantig bawat taludtod
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangyari kay Winston Ragos, iyon bang sundalong sinita ng limang pulis noong Abril at binaril ng walang laban ng isang pulis," sabi ni Mang Kulas na naggugupit sa barberya. "Oo nga, Mang Kulas. Narinig ko rin sa balita kanina," sabi ng estudyanteng si Roberto na ginugupitan ni Mang Kulas. "Bakit? Anong nangyari? Hindi ko yata narinig sa radyo kanina..." sabat naman ni Mang Lando na isa ring barbero. "Aba'y pinagbababaril ng mga pulis ang apat na sundalo ng walang laban. Nangyari sa Sulu. Isang major, isang kapitan, at dalawa pang sarhento ang pinaslang, ayon sa balita. Galit na galit nga ang pamunuan ng Philippine Army. Rubout daw," paliwanag ni Mang Kulas. "Grabe na talaga ang nangyayari sa bayan natin. Sundalong walang laban pa ang pinaslang ng mga pulis. Tapos, sasabihin, nanlaban. Kung sila n...
MAY MADALING ARAW NA GANITO I ako'y biglang naalimpungatan nang may kumaluskos sa pintuan ang balahibo ko'y nagtayuan di mawari ng puso't isipan II tila ba may kung sinong yumugyog nang selpon ko'y sa sahig nahulog at di na ako napagkatulog hanggang maamoy ang mga hamog III ala-una ng madaling araw at dama ko ang kaytinding ginaw pagbangon, tila may nakatanaw matapang kong binuksan ang ilaw sino bang nagmamatyag sa akin tiningnan saan mata'y nanggaling paglingon ko'y may isang imahen litrato ng sinta'y nakatingin IV natulog nang mag-aalas-dos na matapos sa kompyuter magtipa ganyan ang gawain ko tuwina madaling araw na ay gising pa at nag-alarm clock ng alas-sais pagkat maliligo't magbibihis kakain ng kaunti't aalis kulang sa tulog, trabaho'y labis - gregoriovbituinjr. 10.15.2025
ANG AKLAT PARA SA AKIN pagbili ng libro'y nakahiligan sa bookstore o mga book festival man tungkol sa kasaysayan, pahayagan, tula, kwento, sanaysay, panitikan dahil ako'y makata, manunulat ng mga tula't kwentong mapangmulat na pampanitikan ang binubuklat sari-saring akda'y binubulatlat may dyaryong Taliba ng Maralita kung saan kwento ko'y nalalathala mga pahayag ng samahan, tula na nais kong maisalibro din nga balak kong makagawa ng nobela hinggil sa pakikibaka ng masa wawakasan ang bulok na sistema wawakasan ang pagsasamantala pangarap kong maisaaklat iyon isa iyan sa dakila kong layon na burgesya'y sa lupa maibaon lipunang asam ay itayo ngayon - gregoriovbituinjr. 04.05.2025
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento