A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Pagdaluhong sa karapatan Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. Hulyo 1, 2020 "Alam nyo, naulit na naman pala ang nangyari kay Winston Ragos, iyon bang sundalong sinita ng limang pulis noong Abril at binaril ng walang laban ng isang pulis," sabi ni Mang Kulas na naggugupit sa barberya. "Oo nga, Mang Kulas. Narinig ko rin sa balita kanina," sabi ng estudyanteng si Roberto na ginugupitan ni Mang Kulas. "Bakit? Anong nangyari? Hindi ko yata narinig sa radyo kanina..." sabat naman ni Mang Lando na isa ring barbero. "Aba'y pinagbababaril ng mga pulis ang apat na sundalo ng walang laban. Nangyari sa Sulu. Isang major, isang kapitan, at dalawa pang sarhento ang pinaslang, ayon sa balita. Galit na galit nga ang pamunuan ng Philippine Army. Rubout daw," paliwanag ni Mang Kulas. "Grabe na talaga ang nangyayari sa bayan natin. Sundalong walang laban pa ang pinaslang ng mga pulis. Tapos, sasabihin, nanlaban. Kung sila n...
KWENTONG MANANANGGAL may multong sa kanya'y nagtanong: "bakit ka kalahating multo?" at ang sagot niyang pabulong: "noon ay manananggal ako" napakapayak ng istorya ng nagmumultong manananggal kaya pala namatay siya ay di nakita ang natanggal niyang kalahating katawan nang minsang sumikat ang araw wala na siyang nabalikan at siya'y tuluyang nalusaw sa komiks man ay patawa lang ni Mang Nilo na nagsalaysay kwento ng kaibang nilalang ngunit may lagim yaong taglay - gregoriovbituinjr. 11.04.2024 * komiks istrip mula sa pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 2, 2024, p.7
DALAWANG LIBRENG LIBRO MULA NATIONAL MUSEUM OF THE PHILIPPINES Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa unang araw pa lang ng Philippine Book Festival ay napagawi na ako sa booth ng National Museum of the Philippines . Tiningnan ko ang limang aklat na naroroon. Nakita ko ang hinggil sa Baybayin, na antigong panulat ng ating mga ninuno. Nais ko iyong bilhin. Subalit sinabi sa akin ng babaeng naroon na libre lang nilang ibibigay ang dalawang aklat na magustuhan ko basta ipakita ko lang na nag-like ako sa facebook page ng National Museum of the Philippines. Ni-like ko naman at ipinakita sa kanila, at naglista ako ng pangalan at tsinekan ang mga nakuha kong libro. Kaya pala libre, nakalimbag sa kanang ibaba ng pabalat ang mga katagang "Not for Sale." Ang dalawang aklat ay ang Baybayin: Mga Sinauna at Tradisyunal na Panulat sa Pilipinas (Ancient and Traditional Scripts in the Philippines) , at ang Breaking Barriers ni Virginia Ty-Navarro. Talagang...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento