Biyernes, Abril 28, 2023

Lambingan

LAMBINGAN

patuloy ang paglalambing
matamis ang loving-loving
parang asukal matining
ako kaya'y nahihimbing?

sinlasa kaya ng atis?
sinsarap din ba ng mais?
kung asukal ba sa tamis?
baka magka-diabetes?

para kaming mga langgam
na anong tamis ng ulam
kung ang pagsinta'y maparam
ako'y tiyak magdaramdam

kung aming pagsinta'y wagas
tiyak puso ko'y lalakas

- gregoriovbituinjr.
04.28.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kung wala sa lansangan ay nasa aklatan

KUNG WALA SA LANSANGAN AY NASA AKLATAN kung wala sa lansangan ay nasa aklatan nasa loob ng daigdig ng panitikan ay, naroon muli ako sa aking...