Dinastiya, wakasan!

DINASTIYA, WAKASAN!

tama si Mambubulgar
sa kanyang ibinulgar
isang katotohanang
masa ang tinamaan

ang inihalal kasi
ng maraming botante
ay mula dinastiya
mula isang pamilya

iisang apelyido
ang laging binoboto
mga trapong kurakot
na korapsyon ang dulot

upang malutas iyan
DINASTIYA, WAKASAN!
ito'y napapanahon
kung nais ng solusyon

- gregoriovbituinjr.
10.04.2025

* komiks mula sa pahayagang Bulgar, 10.02.2025, p.5

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maikling kwento: Pagdaluhong sa karapatan

Dalawang libreng libro mula National Museum of the Philippines

Kwentong manananggal