Oktubre na, wala pa ring nakukulong na corrupt

OKTUBRE NA, WALA PA RING NAKUKULONG NA CORRUPT

wala pa ring nakukulong, Oktubre na
aba'y paikot-ikot lang ang istorya
may ghost flood control project na, may baha pa
binisto ng baha ang korapsyon nila

di lang rising sea temperature ang isyu
di lang pala climate emergency ito
nagbabaha dahil korapsyon ang isyu
ng mga lingkod bayan ngunit dorobo

Oktubre na, wala pa ring nakukulong
na trapong sa katiwalian nalulong
pag dukhang nagnakaw lang ng isang mamon
walang paglilitis, agad ikukulong

habang pag mga mayayaman ang sangkot
may due process pa ang mga nangurakot
baka sa dulo, wala pa ring managot
ganyan pa rin, sistema'y paikot-ikot

- gregoriovbituinjr.
10.03.2025

* kuha sa rali sa Mendiola, 10.02.2025

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maikling kwento: Pagdaluhong sa karapatan

Dalawang libreng libro mula National Museum of the Philippines

Kwentong manananggal