Martes, Pebrero 10, 2026

Baril ang diwà, bala ang salitâ

BARIL ANG DIWÀ, BALA ANG SALITÂ

ang manunulat ay mandirigmâ
pistola, glock o garand ang diwà
bala naman ang mga salitâ
ganyan din maghandâ ang makatâ

pinatatagos nila sa pusò
ang mga katagang parang punglô
tulad ng makatang naglalahò
lilitaw muli pag napasubò

ang manunulat ay namamatay
pag nobela'y natapos na tunay
ngunit siya'y muling mabubuhay
pag may bagong akdang sumisilay

ngayon nga'y sinisimulang muli
ang mga kabanatang nagbinhi
sa isip, paliko-likong gawi
sa iwing diwa'y nananatili

- gregoriovbituinjr.
02.10.2026

* kasabihan sa t-shirt ay mula kay Douglas Horton
* litratong kuha ng makata sa isang tindahan ng barbeque

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Disgrasya sa "beating the red light"

DISGRASYA SA "BEATING THE RED LIGHT" mga babaeng angkas ang namatay nang binangga ng van,  "beating the red light" binun...