SA IKAWALONG BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026
patuloy pa ako sa paggampan ng nakaatang
na tungkulin pag sasapit ang araw ng Biyernes
kaya sa ikawalong Black Friday Protest ng taon
ay kumilos pa rin ako't hindi nakatitiis
matapos ang paglulunsad ng libreto ng tulâ
ay tangan ko na ang plakard na aking inihandâ
ang nakasulat ay "Ikulong lahat ng kurakot!"
at nag-selfie sa estatwa ni Ka Pepe Diokno
lalo't araw pa naman ng World Day of Social Justice
na siyang tema ng libretong binigyan kong hugis
ng aking mga tinipong makabagbag-damdaming
tulang talaga namang pinagtuunan ng pansin
"Ikulong na 'yang mga kurakot!" ang aming sigaw
dapat kaparusahan sa kurakot ay ipataw
hinihiyaw ay napakalinaw na gawin dapat
at iluklok ng madlâ ang tapat at nararapat
- gregoriovbituinjr.
02.20.2026 (World Day of Social Justice)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento