Sabado, Abril 11, 2026

Sa ika-10 death monthsary ni misis

‎SA IKA-10 DEATH MONTHSARY NI MISIS
‎di ko maiwasang lumuhà
‎lagi pa ring natutulalâ
‎sampung buwan ka nang nawalâ
‎ang loob ko'y di pa rin handâ
‎O, diwatà kong nililiyag
‎akala ko, ako'y matatag
‎ngunit iwing búhay ay hungkag
‎aandap-andap, nangangarag
‎tuwina'y nasa panaginip
‎ang larawan mo sa pag-idlip
‎pagsintang walang kahulilip
‎ay lalaging kahalukipkip
‎matagal pa bago magsama
‎kitang dalawa, aking sinta
‎tinatapos ko pa'y nobela
‎sa masa, hustisya, pag-asa
‎- gregoriovbituinjr.
‎04.11.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagpupugay, Letran Lady Knights!

PAGPUPUGAY, LETRAN LADY KNIGHTS! ‎ ‎ako'y taospusong nagpupugay ‎sa  Letran Lady Knights  sa tagumpay ‎ninyo sa larangan ng volleyball ‎...